Sarah kinapos ang boses nang kantahin ang 'Himala' sa concert nila ni Bamboo, pero biglang nakabirit sa bandang huli | Bandera

Sarah kinapos ang boses nang kantahin ang ‘Himala’ sa concert nila ni Bamboo, pero biglang nakabirit sa bandang huli

Reggee Bonoan |October 15,2023
facebook
share this

Sarah kinapos ang boses nang kantahin ang ‘Himala’ sa concert nila ni Bamboo, pero biglang nakabirit sa bandang huli

Reggee Bonoan - October 15, 2023 - 10:18 AM

Sarah kinapos ang boses nang kantahin ang 'Himala' sa concert nila ni Bamboo, pero biglang nakabirit sa bandang huli

Sarah Geronimo at Bamboo

KINAPOS si Sarah Geronimo sa awiting “Himala” sa nakaraang concert nila ni Bamboo sa Cebu nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 13, na ginanap sa IEC Convention Center, Cebu.

Base sa TikTok post ni @sooowhaattt, “Sarah G was having a problem with her voice, so the crowd and Bamboo sang the song with her.”

Pinanood din namin ang kuha ni Jun Rey Sabroso na ipinost naman niya sa kanyang YouTube channel at simula palang ng kanta ay halatang nahirapan na si Sarah.

Kaya nang kantahin na niya ang linyang, “kasalanan ba…” ay ang audience na ang kumanta para sa kanya at napangiti na lang ang Popstar Royalty. Bigla namang narinig ang boses ni Bamboo na nasa likod ng stage kaya’t napalingon ang wifey ni Matteo Guidicelli.

Baka Bet Mo: Ate Guy nanaginip bago gawin ang ‘Himala’: Nakaluhod ako sa altar, tapos pagtingin ko kay Mama Mary ngumiti siya…

“Ha-hahaha! Palakpakan natin si Coach Bamboo (magkasama kasi sila sa The Voice Kids),” nakatawang sabi ni Sarah G.

At nag-bow naman si Bamboo saka umubo sa gilid ng stage habang pinapanood ang kapwa niya coach at mukhang kinabahan lang dahil bumirit na si Sarah at natapos niya ang kanta kaya tayuan ang mga tao habang nagpapalakpakan at naghihiyawan.

Unti-unti namang lumapit si Bamboo at pumapalakpak sa “himalang” birit ni Sarah G.

Matatandaang kinansel ang Pampanga show nina Sarah at Bamboo na dapat sana ay noong Oktubre 1 na ang dahilan niya ay unexpected medical condition na inakala naman ng lahat ay nasa interesting stage na siya pero hindi naman pala.

Hindi talaga buntis si Sarah dahil panay ang hataw niya sa katatapos na concert nila ni Bamboo sa Cebu bukod sa pinabulaanan na rin nila ito ng asawang si Matteo kamakailan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halatang galing sa sakit ang singer base na rin sa boses niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending