Ricky Lee sinagot ang matagal nang tanong kung sino talaga ang pumatay sa karakter ni Nora Aunor bilang Elsa sa 'Himala'? | Bandera

Ricky Lee sinagot ang matagal nang tanong kung sino talaga ang pumatay sa karakter ni Nora Aunor bilang Elsa sa ‘Himala’?

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 07:14 AM

Ricky Lee sinagot ang matagal nang tanong kung sino talaga ang pumatay sa karakter ni Nora Aunor bilang Elsa sa 'Himala'?

Nora Aunor

SINO nga ba ang pumatay kay Elsa, ang pangunahing karakter na pinasikat ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa award-winning classic Filipino film na “Himala“?

Yan ang isa sa mga tanong na sinagot ng sumulat ng kuwento ng pelikula, ang National Artist at award winning veteran scriptwriter na si Ricky Lee.

Pinatay si Elsa sa katapusan ng pelikula matapos ang kanyang rebelasyon na hindi totoong nakapagpapagaling siya ng may sakit at ipagsigawan na “walang “himala!” Binaril siya ng isang hindi kilalang tao na nagresulta sa stampede.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nora Aunor Official (@noravillamayor67)


Ang “Himala” ay idinirek ni Ishmael Bernal at nanalo ng napakaraming award. Ito rin ang unang Filipino movie na napabilang sa Berlin International Film Festival.

Baka Bet Mo: Ai Ai dumulog sa NBI para hantingin ang mga ‘pumatay’ sa kanya sa socmed

Sa napanood naming TikTok video mula sa Cultural Center of the Philippines (CPP), sinabi ni Ricky Lee na kahit sino na nakasaksi sa panloloko ni Elsa ang maaaring pumatay sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricky Lee (@rickyleeph)


“Hindi niya sinadya. Subconciously nag-imbento siya ng himala. So, gumamit siya ng kasinungalingan. Ang pumatay sa kanya, ang mga taong ayaw makarinig ng katotohanan.

“In the case doon sa last part, sinabi ng government official na hulihin ang kung sinumang magsasalita, laban sa gobyerno, laban sa akin, laban sa Diyos, hindi niya rin tanggap ang katotohanan,” paliwanag ni Ricky Lee.

Dagdag pa niya, pwede ring isa sa mga nagpapagamot ang pumatay kay Elsa, “Karamihan ng masang nandoon nagpapagamot, ayaw nila ng katotohanan dahil hindi na nila kayang mag-survive sa gutom at sa hirap ng buhay.

“Maski na kasinungalingan, kakapit sila kaya nu’ng bibigyan ng katotohanan, gusto nila ‘yung false news muna, fake news muna kasi that’s how they survive,” lahad pa ng premyadong scriptwriter.

Aniya pa, kabilang din sa pagpatay ang mga manonood dahil wala silang ginawa, “Kasabwat sa pumatay kay Elsa ‘yung audience kasi ‘yung kamay ng baril galing sa audience, hindi sa characters, galing sa audience.

“Tayong nanonood sa mga nakikita nating pagpatay at wala tayong ginagawa, kasabwat tayo,” diin pa ni Ricky Lee.

Ate Guy nanaginip bago gawin ang ‘Himala’: Nakaluhod ako sa altar, tapos pagtingin ko kay Mama Mary ngumiti siya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka Tunying sa paggaling ni Zoey: Sa Panginoong Diyos kami nagtiwala, gumawa Siya ng himala!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending