Ka Tunying sa paggaling ni Zoey: Sa Panginoong Diyos kami nagtiwala, gumawa Siya ng himala! | Bandera

Ka Tunying sa paggaling ni Zoey: Sa Panginoong Diyos kami nagtiwala, gumawa Siya ng himala!

Ervin Santiago - July 06, 2022 - 07:37 AM

Anthony, Rossel at Zoey Taberna

BAGO tuluyang maging cancer-free ang kanyang anak na si Zoey Taberna, ibinalita ni Anthony Taberna na nag-agaw buhay muna ito habang ginagamot sa Singapore.

Kuwento ni Ka Tunying, nalagay sa bingit ng kamatayan ang teenager niyang panganay at inakala nilang iyon na ang magiging katapusan ng anak nila ni Rossel Taberna.

Ayon sa veteran news anchor at broadcaster, six months din siyang nag-stay sa Singapore kasama ang buong pamilya kung saan sumailalim sa bone marrow transplant si Zoey.

Sa kanyang Facebook page, nagkuwento si Ka Tunying tungkol sa pagpapagamot ni Zoey sa Singapore at ang paggaling nito matapos ang matinding mga pagsubok na hinarap at napagtagumpayan ng kanilang pamilya.

“Nandito na kami sa ating bayan—pagkalipas ng lima’t kalahating buwan doon sa Singapore hindi para magbakasyon kungdi upang humarap sa isang matinding hamon sa aming pamilya kung saan nag-agaw buhay ang aming panganay na si Zoey,” simulang pahayag ni Anthony.

Patuloy pa niya, “Totoo yun, akala ko ay hanggang doon na lamang talaga. Ganu’n din pala mismo ang nasa isip ng bata.” Na ang tinutukoy ay ang mahaba at emosyonal na FB status ni Zoey.

Dito nga ibinahagi ng 13-year-old na anak ni Ka Tunying ang  pakikipaglaban niya sa cancer (leukemia).

Para sa pamilya Taberna, isang milagro o himala ang paggaling ni Zoey, “Sa pinakamahirap at pinakamasakit na bahagi, doon ko nakita at nadama kung paano gumalaw ang kamay ng Panginoong Diyos. Sa Kaniya kami nagtiwala. Sa Kaniya kami nanghawak.

“Walang tigil na panalangin gaya ng bilin ng Ka Eduardo Manalo. At gumawa Siya ng himala. Magaling na si Zoey, kasama namin siya na umuwi. Malakas at buhay na buhay ang pag-asa,” aniya pa.

Sa kanyang FB post, ibinahagi rin ni Anthony ang mahabang pahayag ng anak hinggil sa hirap at matinding takot na kanyang naramdaman habang lumalaban sa kanyang karamdaman.

View this post on Instagram

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28)


Narito ang bahagi ng kuwento ni Zoey, “I experienced things that, looking back now, even i thought i wouldn’t be able to handle. but with the support of my loved ones and God, i was able to get over.

“Literally every bad thing that happened to me was such a blur. i’m not gonna lie, there were so many times that i thought that it was the end for me. that my life would end at 13 years old.

“I kept on thinking about my friends, my family, my loved ones, my church duties. what will happen when i’m gone? will people care? will they be sad? But because i grew up active in church, i always prayed while holding on to my faith, and i felt so much stronger.

“When i try to remember some of the difficult episodes that happened to me, the only thought in my mind is ‘wow. nagawa ko pala ‘yon.’

“Thank you also to everyone who prayed and showed their support for me all throughout everything. i guess it’s safe to say that that’s the end of my cancer journey. thank you so much,” masayang sabi pa ni Zoey.

https://bandera.inquirer.net/313582/ka-tunying-sa-patuloy-na-paglaban-ni-zoey-sa-leukemia-konti-na-lamang-bumabalik-na-sa-porma

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/317607/anak-ni-ka-tunying-na-si-zoey-taberna-cancer-free-na-i-thought-it-was-the-end-for-me-that-my-life-would-end-at-13
https://bandera.inquirer.net/290941/anak-ni-ai-ai-biktima-ng-hitrun-sa-us-kotse-nahulog-sa-bangin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending