Vilma sa mga nagsusulong na bigyan din siya ng National Artist award tulad ni Nora: 'If it’s for you, it’s meant for you' | Bandera

Vilma sa mga nagsusulong na bigyan din siya ng National Artist award tulad ni Nora: ‘If it’s for you, it’s meant for you’

Ervin Santiago |March 01,2023
facebook
share this

Vilma sa mga nagsusulong na bigyan din siya ng National Artist award tulad ni Nora: ‘If it’s for you, it’s meant for you’

Ervin Santiago - March 01, 2023 - 04:30 PM

Vilma sa mga nagsusulong na bigyan din siya ng National Artist award tulad ni Nora: 'If it’s for you, it’s meant for you'

Vilma Santos at Nora Aunor

PAGKATAPOS gawaran ng National Artist award ang Superstar na si Nora Aunor, maraming nagsasabi na dapat daw ang kasunod na bigyan nito ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

In fairness, makalipas nga ang ilang dekada ay buhay na buhay pa rin ang rivalry nina Ate Vi at Ate Guy. Talagang hanggang ngayon ay sila pa rin ang pinagsasabong ng mga fans.

Lalo na ngayong magiging aktibo na muli si Ate Vi sa showbiz with three new movies na naka-line up niyang gawin ngayong 2023, kabilang na ang reunion project niya with one of her favorite leading man Christopher de Leon.

Last Monday, sa press launch ng bago niyang endorsement na Angkas, nahingan ng reaksyon ang movie icon at dating public servant tungkol sa pagiging National Artist ng kanyang kumare.

Umaasa ba siyang siya na ang susunod na bibigyan ng nasabing parangal? “If it’s for you, it’s meant for you. Kapag hindi napunta sa yo, it’s not meant for you. So, du’n sa hindi nabigyan, it’s not meant for them.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)


“Like yung kay Ate Guy. So, kung meron akong space diyan, darating ang panahon na yun para sa akin na yun,” pahayag ng award-winning actress.

Sabi pa ng nag-iisang Star for All Seasons, kahit na hindi pa rin namamatay ang kanilang “rivalry” pagdating sa pagiging aktres, mas pinahahalagahan pa rin nila ng Superstar ang kanilang friendship.

“Kahit sabihin mong may mga ganyang rivalry, I mean, she’s still a friend. In fact, there was a time na sana paplanuhin ko na dumalaw, just to check on her. Pero I think, she’s getting better and I am happy for that.

“Sa totoo lang, I prayed for her. Kahit sabihin mong may rivalry, iba pa rin yung naging kumare ko rin siya. And sincerely, I really did pray for her,” chika pa ni Ate Vi.

Samantala, isa sa mga dream projects ngayon ni Vilma ay ang makapagbida ng pelikula tungkol sa mga kapatid nating mga Muslim.

“Gusto ko makagawa ng isang Muslim movie. Yung kultura nila, ilalatag mo. Parang yun ang isa kong gusto kong magawa, na gagawin ko yung kultura ng mga Muslim. Parang may excitement ako du’n,” lahad ni Ate Vi.

Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor

Jhong Hilario lalayasan na nga ba ang ‘It’s Showtime’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending