Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor Bandera

Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor

Therese Arceo |November 10,2021
share this

Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor

Therese Arceo November 10, 2021 - 06:34 PM

Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan noon ni Nora Aunor

SOBRANG nakakaaliw ang latest vlog ni Luis Manzano kung saan kasama niya Star of All Seasons at ina nitong si Congresswoman Vilma Santos.

Sa nasabing vlog ay kaswal lang na nagkukwentuhan ang mag-ina sa isang farm resort sa Batangas habang may nagbabato ng questions sa background at paminsan naman ay nagbabasa ng comment mula sa netizen.

“Nakipagsabunutan ako dati para maipagtanggol kita. Bata pa ako noon. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang idol ko. 64 na ako,” basa ni Luis sa comment ng isang netizen na nagngangalang Nida.

Dito nga ay naitanong ni Luis kay Cong. Vilma kung paano ang nangyayari noon kapag nagtatagpo ang kanyang supporters st supporters ni Superstar Nora Aunor.

“Ngayon kasi ‘yung mga fans ni ganito, fans ni ganyan, kapag nag-aaway mostly social media, e. Bashing, gagawa ng fake account.

“Noong time n’yo ni Ate Guy ‘pag nagkakaengkwentro kayo ng dalawang grupo, sakitan talaga ‘yun.” saad ni Luis.

Kuwento pa ni Cong. Vilma, talagang pisikalan ang ginagawa ng mga fans club.

“”Batuhan. May batuhan pa ng bubog, yung parang dinikdik ng mga bote tapos ibabato kapag dadaan ka,” pagkukuwento ni Cong. Vilma.

Dagdag pa nito, minsan raw ay nabiktima siya ng mga fans at natusok siya ng aspili habang nasa sinehan.

“Parang premier night kasi dati ang premier night, sa isang theater. ‘Yun ‘yung time namin ni Guy and Pip, Vi and Bot. Pagpasok ko sa sinehan, talagang crowded, paghipo ko ng gilid ko, may pardibleng nakatusok,” ani Cong. Vilma.

Mayroon pa raw insidente noon kung saan kinokoronahan silang dalawa sa Araneta Coliseum at habang nasa stage sila ay nakikita nila ang kanilang mga fans na naghahampasan ng upuan.

“Totoo. Imagine habang kinokoronahan ka [bilang] Queen of Philippine Movies ganon, pagtingin mo sa audience, nagbabatuhan ng mga silya ang mga fans,” lahad ni Cong. Vilma.

Tinanong naman ni Luis kung na-try ba ni Cong. Vilma kahit minsan na makisali sa karambola ng mga fans.

Dito ay inamin ni Cong. Vilma na umabot raw sila noon ni Ate Guy sa point kung saan naapektuhan ang relasyon nila ni Ate Guy.

“There was a time na nagtampuhan rin kami, hindi kami nagkikibuan.

“Halos hindi kami magkibuan, kasama ko lahat ng Vilmanians, kasama naman niya sa isang corner ang Noranians. And then kapag magkaeksena na kaming dalawa, pati pagtitinginan namin parang awkward.

“Alam mo ‘yung ibig kong sabihin? Parang awkward kami sa isa’t isa. Umabot kami sa ganon,” amin ni Cong. Vi.

Nagkabati rin daw sila noong dumalaw siya nang pumanaw ang magulang ni Ate Guy.

Giit niya, ito ay nakaraan na dahil ngayon ay talagang close sila at magkumare ni Superstar Nora Aunor.

Related Chika:
Pelikula nina Gloria, Vilma at Nora babandera sa 1st Philippine Film Industry Month ng FDCP

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending