Pelikula nina Gloria, Vilma at Nora babandera sa 1st Philippine Film Industry Month ng FDCP | Bandera

Pelikula nina Gloria, Vilma at Nora babandera sa 1st Philippine Film Industry Month ng FDCP

Ervin Santiago - August 30, 2021 - 05:40 PM

Vilma Santos, Gloria Romero at Nora Aunor

ANG bongga ng naka-line up na mga programa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa “1st Philippine Film Industry Month: Ngayon Ang Bagong SineMula.”

Magaganap ito sa buong buwan ng Setyembre kung saan bibigyang halaga ang contribution at mga sakripisyo ng lahat ng stakeholder at iba’t ibang sektor ng film industry.

“On February 3, 2021 President Rodrigo Duterte has signed a proclamation declaring the month of September as the Philippine Film Industry Month to recognize the invaluable contribution and sacrifices of all stakeholders and sectors of the film industry, emphasizing the need to showcase and celebrate the achievements and progress of the discipline of film and filmmaking,” ani FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa ginanap na virtual mediacon kamakailan.

Kung matatandaan, Sept. 12, 1919 nang ipalabas sa Teatro dela Comedia ang silent film na “Dalagang Bukid,” na idinirek ni Jose Nepomuceno at pinagbidahan ni Atang dela Rama. 

Ito ang unang pelikula na ipinrodyus at idinirek ng Filipino, kaya itinuring ang araw na iyon bilang kapanganakan ng pelikulang Pinoy.

Magkakaroon ng by-invitation Philippine Film Industry Gala sa Sept. 12 ang FDCP na magaganap sa Manila Metropolitan Theater (MET). May ipatutupad na mas istriktong safety and health protocols sa event na ito. 

Magiging highlight ng gala ang screening ng restored version ng black and white movie na “Dalagang Ilocana” (1954), na pinagbidahan ni Gloria Romero at idinirek ni Olive La Torre.

Nanalong best actress dito si Gloria Romero sa FAMAS kung saan nakasama rin sina Ric Rodrigo, Rudy Francisco at Dolphy.

Sa Sept. 25 hanggang 30 naman magkakaroon ng free screening ng mga obra ni Direk Elwood Perez sa FDCP Channel, kabilang na ang “Bilangin ang Bituin sa Langit” (1989) at “Till We Meet Again” (1985) nina Nora Aunor at Tirso Cruz III at ang “Ibulong Mo sa Diyos” (1988) nina Vilma Santos at Gary Valenciano; “Nakawin Natin ang Bawat Sandali” (1978); at “Masarap, Masakit ang Umibig” (1977) nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Ipapalabas din ang “Stepsisters” (1979) nina Lorna Tolentino at Rio Locsin; “Isang Gabi…Tatlong Babae” (1974) nina Amalia Fuentes, Boots Anson-Roa at Pilar Pilapil.

Samantala, planado na rin ng FDCP ang 5th Pista ng Pelikulang Pilipino at balak na nga nila itong gawin sa mga sinehan sa pakikipagtulungan sa IATF.

Naniniwala si Chair Liza na may mas maganda pang future ang Philippine movie industry, lalo sa ibang bansa tulad ng nangyayari ngayon sa mga Korean films.

“Yun ang challenge sa atin ngayon. Paano tayo makagawa ng pelikula hindi lang panonoorin sa Pilipinas commercially, pero sa ibang bansa din,” ani Chair Liza.

“Kasi, yung art house, naku! Cover na natin ‘yan. Talagang we’re in every important film festival in the world. That’s not easy and we’re now beyond novelty.

“Dati kasi, pag pinapanood tayo, novelty ang Philippine Cinema. Ngayon, talagang we have projects na may international collaboration. That legitimizes our international path.

“And I do believe, while there are challenges na kinakaharap natin ngayon locally, meron tayong new generation of filmmakers na ang goal is to collaborate. Ang goal nila is to work with a global market in mind. To work in a globally competitive environment.

“Meaning, willing silang i-adjust yung pelikula nila. Willing silang i-adjust yung story nila para mas maging malaki yung audience.

“Willing silang makipag-co-produce, hindi lang private equity na galing sa Pilipinas, isang producer na nagpu-produce ng pelikula. 

“Willing silang maghintay na mabuo yung tamang budget para ma-produce ang mga pelikulang susunod natin makikita in Philippine cinema. And this is what I’m excited about.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Because there are so many new films. There are so many new projects na partner with different countries,” paliwanag pa ni Chair Liza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending