'It's Showtime' papalitan ng 'It's Your Lucky Day' na pangungunahan ni Luis Manzano, eere simula October 14 hanggang October 27 | Bandera

‘It’s Showtime’ papalitan ng ‘It’s Your Lucky Day’ na pangungunahan ni Luis Manzano, eere simula October 14 hanggang October 27

Reggee Bonoan |October 06,2023
facebook
share this

‘It’s Showtime’ papalitan ng ‘It’s Your Lucky Day’ na pangungunahan ni Luis Manzano, eere simula October 14 hanggang October 27

Reggee Bonoan - October 06, 2023 - 06:28 PM

Showtime papalitan ng 'It's Your Lucky Day' na pangungunahan ni Luis Manzano, eere simula October 14 hanggang October 27

FOLLOW UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA nitong Oktubre 4 na umapela ang programang “It’s Showtime” sa Office of the President at hinihintay nila ang sagot.

Habang naghihintay ng sagot ay nagte-taping na pala ang pansamantalang papalit sa Kapamilya noontime program na ang hosts ay sina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros base sa report ng programang “Cristy Ferminute’ kamakailan.

At kaninang tanghali ay binanggit na ni Nanay Cristy Fermin sa kaparehong programa kasama si Romel Chika sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na may titulo na ang programa papalit sa “It’s Showtime”.

Bungad ni ‘nay Cristy, ‘It’s Your Lucky Day’ ang titulo ng programang pansamantalang papalit sa ‘It’s Showtime’ ayon sa aking source.”

Magsisimula raw ang “It’s Your Lucky Day” sa Oktubre 14, Sabado hanggang Oktubre 27, Biyernes bilang kabuuan sa 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB.

Komento naman ni Romel Chika na bakit wala pang anunsyo ang ABS-CBN tungkol dito, baka naman daw ‘laban o bawi’ ito.

Baka Bet Mo: ‘Showtime’ hindi na nga ba maghahain ng motion for reconsideration, show nina Luis, Robi, at Melai pansamantalang ipapalit?

Baka naman kasi hinihintay din ang sagot ng Office of the President bago magbigay ng official statement ang Kapamilya network.

Anyway, sabi ni ‘nay Cristy,“It’s Your Lucky Day ang titulo at ang tagapamuno nito na magiging Kapitan ay si Luis Manzano, Lucky, e, di ba?

“Pero may nadagdag magaling na komedyante, anak (Romel Chika) kasama si Long Mejia! Alam naman natin ang mga atake ni Long Mejia, di ba? At siyempre po ang mga teenstars ng Star Magic ABS-CBN.

“Ang kuwento ng aking source didikitan ng todo-todo ‘yung dating atake ng Eat Bulaga (EAT na ngayon) susugurin nila ang mga Barangay, so makakalaban din ito ni Mayor Jose (Manalo) at saka ni Wally (Bayola),” pahayag ng CFM host.

“Suguran na pala sa mga barangay [ang labanan] ngayon,” saad naman ni Romel Chika

Say ulit ni ‘nay Cristy na baka ang maging punchline ng “It’s Your Lucky Day” ay, ‘Ito ang Masuwerteng Araw Ninyo.”

Samantala, Oktubre 24 ang 14th year anniversary ng “It’s Showtime” pero sa Nobyembre na raw ito dahil tatamaan ng 12-day suspension.

Ang palitan naman ng komento nina ‘nay Cristy at Romel Chika na paano kung tumodo sa ratings ang “It’s Your Lucky Day” dahil nagustuhan ito ng manonood, paano na ang ‘It’s Shotwime”?

Pero maliwanag naman kina Luis, Robi at Melai plus Long na pansamantala lang ang “It’s Your Lucky Day” pero kapag nag-click nga ito sa lahat ay tiyak na ma-stress ang hosts ng “It’s Showtime” dahil puwede silang mawala pala.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sey ni Cristy Fermin, Vice Ganda tinatamaan na ng depresyon at anxiety; kinikilabutan kapag naririnig ang mga salitang ‘icing’ at ‘cake’

‘It’s Showtime’ pinatawan ng 12-day suspension ng MTRCB dahil sa pagkain ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending