'Showtime' hindi na nga ba maghahain ng motion for reconsideration, show nina Luis, Robi, at Melai pansamantalang ipapalit? | Bandera

‘Showtime’ hindi na nga ba maghahain ng motion for reconsideration, show nina Luis, Robi, at Melai pansamantalang ipapalit?

Reggee Bonoan - October 03, 2023 - 04:33 PM

Showtime hindi na nga ba maghahain ng motion for reconsideration, show nina Luis, Robi, at Melai pansamantalang ipapalit?
NAKA-DALAWANG araw nang nagte-taping sina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros para sa pansamantalang papalit sa “It’s Showtime“.

Hindi diretsong binanggit ni Nanay Cristy Fermin ang programang “It’s Showtime”, at mga pangalan ng mga nabanggit pero halatang-halata naman kung anong show ito dahil alam naman ng lahat na may 12-day suspension ang Kapamilya noontime show na ipinataw ng MTRCB.

Sa programang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ibinalita ng kolumnista ang tungkol dito.

Ang saktong sinabi nito, “Nagbalangkas na po ng isang grupo ng mga hosts ang isang network. Ayon sa tumawag sa aking source, nakakadalawang taping na po ngayon ang mga bagong performers na ito bilang pansamantalang pamalit sa isang programa na hindi natin alam kung ano ang kahihinatnan.”

Pawang unang letra ng mga pangalan nina Luis, Robi at Melai lang ang clue ng CFM host at tinext namin kung sinu-sino sila at kaagad namang sinabi sa amin ni ‘nay Cristy na binigyan din kami ng go signal para isulat ito.

Dahil nagte-taping na ang mga nabanggit na pansamantalang hosts ay ibig sabihin ba ay hindi na sila magsu-sumite ng motion for reconsideration sa Office of the President?

Baka Bet Mo: It’s Showtime pinakakansel ng maraming viewers, sey ni MTRCB Chair Lala Sotto

At dahil dito ay dalawang linggong mapapanood sina Luis, Robi at Melai at ibang youngstars talents ng Kapamilya network sa noontime show na kapalit ng “It’s Showtime” na hindi naman binanggit kung ano ang pansamantalang titulo nito.

Hindi naman na ito bago sa Kapamilya noontime show dahil nauna na silang nasuspinde noong 2010 nang 20-days dahil sa komento ni Rosanna Roces na isa sa mga hurado noon tungkol sa mga teachers.

Tinanggal ng programa noon si Osang bilang isa sa hurado pero natuloy pa rin ang parusang 20-day suspension ng MTRCB na ang hepe noon ay si Senator Grace Poe-Llamanzares.

Kaya ang naging pansamantalang titulo ng programang ‘It’s Showtime” noon ay “Magpasikat”.

Samantala, wala namang binanggit si ‘nay Cristy kung kailan magsisimula ang suspension at pansamantalang bagong titulo ng “It’s Showtime”.

Sinubukan naming magtanong sa taga-ABS-CBN tungkol dito pero wala pa raw silang alam.

Related Chika:
Netizens umalma sa 12 araw na suspensiyon ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’, Lala Sotto pinagre-resign

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong Revilla umapela kay Pres. Bongbong Marcos na i-lift ang suspensiyon ng ‘It’s Showtime’: Consider the welfare of all the staff and crew

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending