'Showtime' tinawag na basura ng co-host ni Cristy Fermin, netizens naimbyerna: 'Have some decency' | Bandera

‘Showtime’ tinawag na basura ng co-host ni Cristy Fermin, netizens naimbyerna: ‘Have some decency’

Therese Arceo |June 28,2023
facebook
share this

‘Showtime’ tinawag na basura ng co-host ni Cristy Fermin, netizens naimbyerna: ‘Have some decency’

Therese Arceo - June 28, 2023 - 06:08 PM

Showtime tinawag na basura ng co-host ni Cristy Fermin, netizens naimbyerna: 'Have some decency'

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa online world ang mga naging pahayag ng kasamahan ni Cristy Fermin na si Wendel Alvarez laban sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

Sa latest episode kasi ng YouTube channel na “Showbiz Now Na” ay napag-usapan nila ang pagpapalabas ng Kapamilya noontime program sa GTV.

Ayon sa tatlo, palaisipan sa kanila kung bakit nga ba tinanggap ng GMA ang “It’s Showtime” gayong nasa poder pa rin nila ang bagong “Eat Bulaga”.

Ayon kay Wendel, mali raw ang desisyon ng mga ehekutibo ng Kapuso network na ilagay sa parehas na timeslot ang dalawang noontime show upang maiwasan ang pagsasalpukan ng dalawang programa.

Chika pa ni Cristy, “Tsaka ang sakit sa tenga nung ‘Ano ba yan? Pera pera na lang ba ang labanan?’ Hindi man lang sila nagkaroon ng respeto sa matagal nang umuupa sa kanila. Tapos kumuha pa sila ng kabanggaan ngayon.”

“Dapat itong GMA management panindigan nila. Di ba naglalabas nila ‘yung kanilang mga ratings, natalo ‘yung ganito… tapos ngayon kukuha kayo ng mga show na basura. Kasi ano pa ba ang tingin natin doon sa Showtime e wala silang sariling bahay.

“Di ba ang basura kapag sinasabing tapon na lang kung saan… para doon na lang pupulutin?” sey ni Wendel.

Baka Bet Mo: Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

Agad namang napataas ang kilay ng mga netizens maging ng mga supporters ng “Showbiz Now Na” sa mga pahayag ni Wendel laban sa Kapamilya noontime program.

“Hindi po basura ang Showtime. They were able to produce segments na nagtrending at super entertaining. Ganon din ang Eat Bulaga. I respect both the shows. Pinapanood ko rin po ang parehas na shows.

“Be careful po with your words, I know those are your opinions but at least have some decency. Your words are kinda disappointing,” saad ng isang manonood.

Sey naman ng isa, “How can a show be trash if it gives happiness to other people?”

“I grew up watching eat bulaga but as time went by i got tired of the show. I have nothing against the show and no doubt about it TVJ are the institution when it comes to noontime show hosting. But It’s Showtime has been my favorite noontime show for the past 14 years up to present. Please be mindful of your choice of words.

“Huwag nyo pong sabihin na basura ang show dahil kahit nawalan po ng prangkisa ang network nila they were able to thrive and they continue to thrive for the sake of the madlang people and of course those people behind the show who have mouths to feed just like Eat Bulaga and the other show.

“One more thing i believe GTV of GMA has a wide audience reach than TV5 and here in abroad we watch TFC, Iwant tfc and GMA PINOY TV which TV5 doesn’t have,” mahabang talak ng isa pa.

Samantala, wala pa namang pahayag si Wendel ukol sa backlash na kanyang natatanggap matapos ang pagbibigay ng negatibong komento laban sa Kapamilya show.

Samantala, abangers naman na ang publiko sa magiging pasabog ng tatlong noontime show sa Sabado, July 1.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘It’s Showtime’ apektado sa paglipat nina Tito, Vic & Joey sa TV5, hirit ng netizens: ‘Baka sila naman ang makarma!?’

Jhong Hilario lalayasan na nga ba ang ‘It’s Showtime’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending