Nang dahil sa TVJ...'It's Showtime' ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV | Bandera

Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

Reggee Bonoan |June 20,2023
facebook
share this

Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

Reggee Bonoan - June 20, 2023 - 01:12 PM

It's Showtime ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

HANGGANG Hunyo 30, 2023 na lang ang “It’s Showtime” sa TV5 o Kapatid Network pero mapapanood naman sila sa GTV Channel ng GMA Network simula sa Hulyo 1.

Ito’y may kinalaman sa pagpasok ng bagong noontime show nina dating Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5 na ayon kay MediaQuest Chairman, Mr. Manny V. Pangilinan ay naka-commit siya sa TVJ ng noontime show.

Kaya ang timeslot ng “It’s Showtime” na pangtanghali ay mababago sa pagpasok nina Tito, Vic at Joey at ang offer sa Kapamilya noontime program ay sa hapon sila mapapanood sa ganap na 4:30.

Ayon sa panayam kay MVP kamakailan, “Were open to their schedule and we are coordinating with ABS-CBN I believe that TV5 is committed to TVJ for the noontime slot, so it’s either them or Showtime unless ABS-CBN are willing to move to another time slot which we are prepared to give to them, but it’s up to them not up to them not up to us.”

At dahil sa pahayag na ito ng MediaQuest chairman ay nagpasya na ang ABS-CBN o Kapamilya network na tapusin na lang ang kanilang kontrata sa TV5.

Narito ang official statement ng Kapamilya network.

“Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN kay TV5 Chairman Manny Pangilinan para sa kanyang pagsuporta sa ABS-CBN at sa paghahatid ng It’s Showtime sa mas maraming manonood sa pamamagitan ng aming content partnership.

 

Baka Bet Mo: Hirit ni Vice kinonek ng netizens sa isyu ng ‘Eat Bulaga’: ‘If you listen to the madlang pipol, you will never go wrong…’

 

“Dahil sa bagong programming ng TV5, ikinalulungkot naming ibalita na hindi na mapapanood ang It’s Showtime sa TV5 simula 1 July 2023.

“Sa loob ng labing-apat na taon, walang patid na saya ang hatid ng It’s Showtime sa Madlang People sa loob at labas ng bansa. Pinahahalagahan namin ang magandang samahan na nabuo namin sa mga manonood tuwing tanghali.

“Dahil dito, minabuti  naming  tanggihan  ang 4:30 pm time slot na inalok ng TV5 para sa programa.

“Tinitiyak namin sa mga manonood ng It’s Showtime na patuloy nilang mapapanood ang kanilang paboritong noontime show sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali.

“Lubos ang aming pasasalamat sa GTV Channel ng GMA at nakahanap ng isa pang tahanan ang It’s Showtime.

“Simula 1 July 2023, mapapanood na rin ang It’s Showtime sa GTV mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali. G na G na tayo, Madlang People!

“Maraming, maraming salamat sa mga manonood na nagmamahal at sumusuporta sa It’s Showtime at sana ay patuloy kayong mapasaya ng aming programa.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

SB19 nalagay sa alanganin dahil sa ‘side comment’ nina Vice at Anne sa ‘Showtime’, ipinagtanggol ng mga fans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending