Payo ni Cristy Fermin kay Pokwang: 'Sana nagagarteran niya ang dila niya... mukha yatang lumalabis siya sa kailangan' | Bandera

Payo ni Cristy Fermin kay Pokwang: ‘Sana nagagarteran niya ang dila niya… mukha yatang lumalabis siya sa kailangan’

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 01:31 PM

Payo ni Cristy Fermin kay Pokwang: 'Sana nagagarteran niya ang dila niya... mukha yatang lumalabis siya sa kailangan'

Pokwang at Lee O’Brian

PINAYUHAN ng veteran entertainment columnist at TV-radio host na si Cristy Fermin si Pokwang tungkol sa patuloy nitong pagpatol sa mga bashers.

Nagbigay ng unsolicited advice si Nanay Cristy sa Kapuso comedienne at TV host dahil sa pakikipagtalakan nito sa social media, lalo na sa mga taong nagtatanggol sa dati niyang live-in partner na si Lee O’Brian.

Feeling kasi ng online host at content creator, hindi na tama ang ginagawang pagdepensa ni Pokie sa kanyang sarili sa paggamit nito ng mga masasakit at maaanghang na salita laban sa kanyang bashers at haters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa June 26 episode ng kanyang radio program na “Cristy Ferminute,” pinagsabihan ni Nanay Cristy si Pokie na hangga’t maaari ay iwasan na nitong gumamit ng foul words kapag pumapatol sa bashers.

Pwede naman daw niyang supalpalin ang mga ito sa pamamagitan ng mga swabeng salita ngunit tatagos sa kaibuturan ng mga taong nais niyang turuan ng leksyon.

Baka Bet Mo: ‘Dito po ako natatakot. Nasa lahi po namin ang cancer’ — Chad Kinis

“Kapag binalanse po natin ang isyu, mukha yatang lumalabis sa kailangan itong si Pokwang sa kanyang mga sinasabi,” simulang pahayag ni Nay Cristy sa kanyang programa.

“Ang hindi ko gusto kapag may nam-bash sa kanya, may kasunod na salitang masakit. Kunwari. ‘Di mo alam ang kuwento, t*ng*’ ganu’n. ‘Naku wala kang kaalam-alam tungkol sa nangyari sa amin g*g*’ mga ganu’n,” pahayag pa ng beteranang kolumnista.

Paalala pa niya sa komedyana, “Baka pupuwede naman Pokwang na paki-)iwasan yung mga salitang mabubuo naman ng iyong pangungusap kung wala.”

Kailangan din daw bantayan ni Pokwang ang kanyang dila kasabay ng pagsasabing hindi naman daw ang mga bashers ang kanyang kaaway kundi ang tatay ng kanyang anak na si Lee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nakasasakit yun. Napakasakit nu’n. Yung tatawagin kang tanga, gaga, di ba, yung mga ganu’n. Masakit yun.

“Dapat ay hawak niya ang kanyang emosyon. Ang dila niya, ay nagagarteran sana niya.

“Kasi di naman ang mga bashers ang kaaway niya. Ang inirereklamo niya ay ang tamad na ama ni Malia na si Lee O’Brian,” ang punto pa ni Nanay Cristy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Pokwang sa mga paalala sa kanya ni Nanay Cristy.

Bea Alonzo muntik nang maputulan ng dila matapos maaksidente sa basahan, hinimatay ang nanay dahil sa duguan niyang bibig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Cristy Fermin: ‘Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending