Agot, Ogie, DJ Chacha, Pokwang nayanig sa gulo sa Senado

Agot, Ogie, DJ Chacha, Pokwang sa gulo sa Senado: ‘Surrender na kasi!’

Pauline del Rosario - May 14, 2026 - 11:47 AM
Agot, Ogie, DJ Chacha, Pokwang sa gulo sa Senado: 'Surrender na kasi!'
Agot Isidro, Ogie Diaz, DJ Chacha, Pokwang

NAYANIG ang social media matapos mabalitang may putukan ng baril sa loob ng Senado kagabi, May 13, kaugnay ng umiinit na usapin tungkol sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Dahil dito, sunod-sunod nagpahayag ng kani-kanilang reaksyon ang ilang celebrities online.

Agot Isidro

Kabilang sa mga unang umalma ang batikang aktres na si Agot Isidro na diretsahang nanawagan ng paglilinaw sa nangyaring kaguluhan.

“Ilabas ang CCTV,” sey ni Agot sa kanyang X account, kasabay ng paggiit na dapat makita ng publiko ang buong pangyayari at hindi edited na footage lamang.

Baka Bet Mo: VP Sara binanatan si PBBM sa putukan sa Senado: ‘Grave abuse of power!’

 

Hindi rin nito pinalampas ang tanong kung sino nga ba umano ang nagpaputok ng baril sa gitna ng komosyon.

“Who fired the shots? NBI? PNP? OSAA? MARINES? GOONS NG SENADOR?” sunod-sunod niyang tanong online.

 

Mas lalong naging matunog ang kanyang mga pahayag nang maglabas siya ng isa pang tweet na may tanong na: “Nagpaputok para makalabas?”

Sa huli, diretsa rin niyang sinabi: “Surrender na kasi.”

 

Ogie Diaz

Nagpahayag din ng pagkabahala ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz hinggil sa umano’y lumalalang tensyon sa Senado.

Sa kanyang Instagram Stories noong Miyerkules, May 13, sinabi niyang: “Nagkakagulo na sa senado. Nagkabarilan pa nga.”

“Hanggang saan ito patungo bago sumuko ang dapat sumuko?” aniya pa.

Hindi rin naiwasang kwestyunin ni Ogie kung para pa ba talaga sa bayan ang mga ikinikilos ng ilang senador o para na lamang umano sa kanilang mga kaalyado.

Wika niya, “Para sa bayan pa ba ang ginagawa ng mga nasa Senado o para sa mga ipinaglalaban nilang mga kaalyado?”

“Nakakahiya na tayo sa ibang bansa. Juice ko, Mahal Na Pangulo, baka pwede ka nang pumasok sa eksena at pumagitna sa nagbabanggaang mga eksenador,” panawagan niya kay Pagulong Bongbong Marcos.

DJ Chacha

Nakisawsaw rin sa usapin ang radio personality na si DJ Chacha, pero mas binigyang-pansin nito ang seguridad ng media personnel na nasa ground zero ng kaguluhan.

Sa kanyang social media post, pinuri niya ang mga mamamahayag na patuloy na nagbabalita sa kabila ng panganib.

“Salute to all the brave Journalists covering the Senate chaos right now. Thank you for your courage and dedication to keep the public informed. Ingat po kayong lahat diyan!” sambit niya.

Dagdag pa niya sa caption ng kanyang post: “This reminds us how dangerous truth-seeking can be.”

Pokwang

Samantala, tila ginawang “circus” metaphor naman ng komedyanteng si Pokwang ang sitwasyon sa Senado.

Sa kanyang Instagram Stories, nagbahagi siya ng makulay na larawan na may circus theme, na may ferris wheel, clown, elephant, at circus tent pa, habang pinapatugtog sa background ang kantang “Circus” ni Britney Spears.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasabay nito ang makahulugang caption na: “Ano nangyare? Bakit ang Senado ay naging malaking???”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending