Enrique Gil ikinumpara ni Cristy Fermin sa 'talong' na nilaga, bakit kaya? | Bandera

Enrique Gil ikinumpara ni Cristy Fermin sa ‘talong’ na nilaga, bakit kaya?

Reggee Bonoan |June 26,2023
facebook
share this

Enrique Gil ikinumpara ni Cristy Fermin sa ‘talong’ na nilaga, bakit kaya?

Reggee Bonoan - June 26, 2023 - 06:39 PM

MARAMING fans at netizens ang nagtatanong kung ano na nga ba ang nangyari sa aktor na si Enrique Gil.

Pagkatapos kasi nitong mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN noong Abril 25, 2023 ay wala pang balita kung may gagawin na ba siyang mga bagong proyekto.

Dalawang buwan na nga naman ang nakalilipas pero wala pa ring naririnig kung may sinimulan o gumigiling nang mga kamera para kay Enrique.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


Nakasanayan na kasing sa unang araw ng shoot o taping ay ibinabalita na kaagad ng Kapamilya network, pero ngayon ay waley.

Sakto naman na ito ang isa sa topic ng programang “Cristy Ferminute” na napapakinggan at napapanood sa Radyo 5 92.3 TRUE FM.

Sabi ni Nanay Cristy Fermin, “Nabantilawan! Namarkahan sila ng tao kasi hindi kayo nagpapakatotoo, ayan ang nangyayari sa inyo. Para kang talong na nilaga, kalahati luto, kalahati hilaw kaya bantilawan.”

Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis kay Enrique Gil: ‘Hindi dapat nakaposte lang sa isang partner, dapat umikot sa iba pang leading ladies’

“Sayang napakaganda ng sinimulan nu’ng dumating sa dulo napabayaan,” saad naman ni Romel Chika.

Opinyon ni ‘Nay Cristy, “Kasi hindi sila nakakawala doon sa ayaw na ayaw na loveteam ni Liza Soberano. Ayaw na ayaw, diyan nga kayo nakilala. Diyan kayo nagtagumpay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


“Diyan n’yo natupad sa pagiging magka-loveteam n’yo ang mga pangarap n’yo sa buhay.  Sa bandang dulo, itinapon? Minaliit, anong nangyari? E, di bantilawan,” aniya pa.

Anyway, natsika naman sa amin ng isang taga-Dos na naka-hold daw ang mga proyekto ni Enrique dahil may kasalukuyan itong inaayos na problemang personal.

Hinihintay na lang daw nila ang go signal ng aktor kung kailan siya magsisimula at anytime ay magsisimula na sila.

Sana makapagsimula na soon ng serye o pelikula si Enrique dahil hinahanap na siya ng supporters ng LizQuen.

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending