Payo ni Lolit Solis kay Enrique Gil: ‘Hindi dapat nakaposte lang sa isang partner, dapat umikot sa iba pang leading ladies’ | Bandera

Payo ni Lolit Solis kay Enrique Gil: ‘Hindi dapat nakaposte lang sa isang partner, dapat umikot sa iba pang leading ladies’

Pauline del Rosario - April 10, 2023 - 11:32 AM
Payo ni Lolit Solis kay Enrique Gil: ‘Hindi dapat nakaposte lang sa isang partner, dapat umikot sa iba pang leading ladies’

NAGPAHAYAG ng panghihinayang ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis pagdating sa acting career ng aktor na si Enrique Gil.

Kwento ni Manay Solis, napagtanto niyang mahusay sa pag-arte ang aktor matapos niyang mapanood ang isa pelikula na pinagbibidahan nito.

“Alam mo ba Salve na nanonood ako ng pelikula na ang isa sa bida si Enrique Gil,” panimula niya sa isang Instagram post.

Caption pa niya, “Ang cute pala niya at mahusay umarte at mahusay bumato ng dialogues.”

Nalungkot ang kolumnista dahil naapektuhan daw ang karera ni Enrique ng mabuwag ang love team nila ng aktres na si Liza Soberano.

“Sayang naman kung affected ang career ni Enrique Gil dahil sa paghihiwalay ng loveteam nila ni Liza Soberano,” Dagdag niya.

Payo tuloy ni Manay Solis na pwede namang mag-solo ang aktor o kaya naman ay magkaroon ng iba pang partner.

Baka Bet Mo: Tanong ng fans, magdyowa pa ba sina Liza Soberano at Enrique Gil o mag-BFF na lang?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Katulad, aniya, ng aktor na si Gabby Concepcion na unang naging katambal si Megastar Sharon Cuneta, ngunit kalauna’y naging partner din ang iba pang batikang aktres.

Sambit niya sa post, “Pwede naman on his own makapag solo si Enrique Gil at maging successful partner ng ibang stars.”

“Tulad noon na nakawala si Gabby Concepcion sa team nila ni Sharon Cuneta at naging successful din ng i partner na kila Maricel Soriano, Snooky Serna, Dina Bonnevie at iba pa, pwede ganun din mangyari kay Enrique Gil,” chika niya.

Bukod kay Enrique at binanggit din niya ang iba pang aktor tulad nina Gerald Anderson at Alden Richards at pinagsabihan na gayahin umano si Gabby upang lalo pang umasenso sa kanilang acting career.

“Sila Enrique Gil, Gerald Anderson at Alden Richards hindi dapat naka poste lang sa iisang partner. Dapat umiikot sila sa lahat ng leading ladies para lalo pang mag grow ang kanilang career,” sey niya.

Aniya pa, “Mahuhusay silang artista kaya dapat lang lagi sila napapanood. Bongga [smiling face with hearts emoji].”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Enrique Gil tinawag na ‘my wife’ si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending