Tanong ng fans, magdyowa pa ba sina Liza Soberano at Enrique Gil o mag-BFF na lang? | Bandera

Tanong ng fans, magdyowa pa ba sina Liza Soberano at Enrique Gil o mag-BFF na lang?

Reggee Bonoan |April 06,2023
facebook
share this

Tanong ng fans, magdyowa pa ba sina Liza Soberano at Enrique Gil o mag-BFF na lang?

Reggee Bonoan - April 06, 2023 - 11:45 AM

Tanong ng fans, magdyowa pa ba sina Liza Soberano at Enrique Gil o mag-BFF na lang?

Liza Soberano at Enrique Gil

ANO na nga kaya ang tunay na estado ng relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil?

Kaya namin ito naitanong ay dahil nagdiwang ng kanyang ika-32 kaarawan ang aktor noong Marso 30.

Sa mga larawang ipinost niya kasama ang mga kaibigan ay wala kaming nabasa sa comments section na bumati si Liza sa kanyang boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


Pero sabi nga namin, hindi rin naman ito basehan ng estado ng kanilang relasyon dahil baka naman personal na tumawag ang aktres sa aktor para batiin siya sa kanyang birthday.

Anyway, hanggang ngayon ay nagtataka ang karamihan dahil nasaan nga naman si Enrique sa lahat ng pinagdaanang isyu ni Liza?  Wala kasing naririnig mula sa binata.

Bagama’t nabanggit ng dalaga sa panayam niya kay Boy Abunda sa kanyang “The Boy Abunda Talk Channel” sa YouTube three weeks ago na very supportive ang binata sa kanya as a friend at sabay bawi na boyfriend pala.

Baka Bet Mo: Enrique Gil kay Liza Soberano: We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart

Kaya na-curious kami, pati na rin ang ilan sa kanilang mga supporters, kung ano na ba talaga ang real score sa LizQuen, sila pa ba o mag-BFF na lang?

Nakatsikahan namin ang long time friend ng LizQuen, sabi niya sa amin, “Hindi ko rin alam kung ano, pero sabi nila sila pa rin, mahirap ang LDR (long distance relationship) huh!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


“Mga importanteng araw sa buhay nila hindi sila magkasama. Baka may usapan din naman sila, abangan natin,” sabi ng aming source.

Samantala, nakarating sa amin na tila wala pang plano si Quen na magtrabaho dahil may inalok sa kanyang project pero tinanggihan niya o baka naghahanap ng materyal na kakaiba sa mga nagawa na niya.

Pwede rin namang waiting pa rin si Enrique na sila pa rin ni Liza ang magkasama sa mga proyektong gagawin niya. Well, abang-abang na lang tayo sa mga susunod na kabanata.

Belated happy birthday, Quen!

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Soberano, James Reid magtatambal nga ba sa isang proyekto?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending