Ogie Diaz walang galit kay Liza Soberano: Sorry anak kung in a way na-offend kita | Bandera

Ogie Diaz walang galit kay Liza Soberano: Sorry anak kung in a way na-offend kita

Therese Arceo |March 14,2023
facebook
share this

Ogie Diaz walang galit kay Liza Soberano: Sorry anak kung in a way na-offend kita

Therese Arceo - March 14, 2023 - 10:41 PM

Ogie Diaz walang galit kay Liza Soberano: Sorry anak kung in a way na-offend kita

BAGO pa man lumabas ang part 2 ng interview ni Liza Soberano kay Boy Abunda ay naglabas na ng reaksyon si Ogie Diaz.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog na uploaded kahapon, March 13, ilang oras bago umere ang interview ni Liza sa “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi niyang nais niyang unawain ang dalaga.

“Hangga’t maaari, hangga’t kaya kong unawain ang dati kong alaga, na ngayon naman ay anak-anakan ko, ay hindi para magsalita tayo o kontrahin siya kung ano ang kaniyang paniniwala kasi paniniwala ‘yon ni Liza eh,” saad ni Ogie.

Sinabi rin niya na mas nais niyang magbigay komento sa cliffhanger questions noong March 10 episode gaya ng kung galit ba si Liza sa kanya.

“Feeling ko sa tono ng pananalita ni Liza, may himig siya ng hinampo sa akin pero ako wala. Galit, tampo, wala. Lagi ang prayers ko ay sana nasa maayos na lagay si Liza; Na sana nasa maayos ‘yung kanyang mindset, state of mind. ‘Yun lang. Hindi para kontrahin si Liza,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya parang nakakapagod na rin ang sagutan nila.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Ogie Diaz sa mga nagmamarunong: ‘Ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager’

“Ang nakakalungkot, Loi, noong mga panahong mina-manage natin si Liza kasama ang Star Magic at ABS-CBN, hindi naman involved sa internal deals, management, ‘yung mga tao. So hindi rin para i-discuss in public kung paano namin siya minanage. At the end of the day, naging Liza Soberano siya. ‘Yun ang importante,” lahad pa ni Ogie.

True enough nga na nang ipalabas ang part 2 ng interview ay may tampo nga si Liza sa dating talent manager na tumagal ng sampung taon.

At dahil nga naunang lumabas ang vlog ni Ogie sa part 2 interview ni Liza ay nauna na tong humingi ng tawad sa dalaga.

“Sorry anak kung in any way na-offend kita or feeling mo kinalaban kita or feeling mo kinokontra kita kasi wala akong matandaan na kinontra kita kundi sinasabi ko lang kung ano ‘yung sa alam kong totoo,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, hindi rin daw kailangang mag-sorry ni Liza sa kanya dahil ‘yun ang kanyang nararamdaman niya.

Giit pa niya, “Basta ako anak, hindi ako na-offend. Mas nalulungkot ako kaysa na-o-offend ako. Nalulungkot ako sa nangyayari [at] kung bakit nangyari ito. Kung bakit kailangang ihayag mo ‘yung damdamin mo at kailangan ko rin namang ihayag ang damdamin ko sa isyu kasi napaparatangan rin ako.

“Pero kung na-offend ka anak, sorry. Hindi sa hindi ko sinasadya kundi gusto ko lamang sabihin kung ano naman ang panig ko lalo na’t parehas tayong dyina-judge ng mga tao.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘Si Liza Soberano mismo ang tumangging bigyan sila ni Enrique Gil ng ibang ka-loveteam’

Liza Soberano ayaw pa ring tantanan ng bashers: ‘Bawasan ang pagkataklesa…mag-isip muna bago tumalak’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending