Bwelta ni Ogie Diaz sa mga nagmamarunong: 'Ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager' | Bandera

Bwelta ni Ogie Diaz sa mga nagmamarunong: ‘Ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager’

Reggee Bonoan - March 14, 2023 - 12:07 PM

Bwelta ni Ogie Diaz sa mga nagmamarunong: 'Ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager'

Liza Soberano at Ogie Diaz

KANYA-KANYANG interpretasyon ang mga netizens na nakapanood ng ikalawang bahagi ng panayam ni Liza Soberano kay Kuya Boy Abunda sa “Fast Talk” tungkol sa dati niyang manager na si Ogie Diaz.

May mga nagsabing kaya raw hindi na nag-renew ang aktres ay dahil halos wala na siyang kinikita dahil sa laki ng komisyon na kinakaltas sa kanya. Meron  ding nagkomento na kubra lang nang kubra si Ogie gayung hindi naman siya pumupunta sa mga taping, commercial shoots at iba pa.

Marahil hindi rin naintindihan ng ilang netizens na wala sa industriya ang patakaran na kapag may naisarang project bago magtapos ang kontrata ay entitled pa rin sa komisyon ang manager.

Pagkatapos naming mapanood ang panayam ni Liza ay nabasa namin ang post ni Ogie na nagpapasalamat sa mga nangungumusta sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ng dati niyang alaga na inakalang siniraan niya ito.

Mag-post ngayong umaga ang vloggersa kanyang Facebook account tungkol sa mga managers na tatanggap ng ima-manage na artista.

“Isa-suggest ko sa mga talent managers ito: bago tumanggap o tanggapin ang napupusuang talent, dapat, ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata.

“Kasi nga, ang mga teenagers ngayon, as in bata pa lang, meron nang mga mental health issues. Para din alam ng talent manager kung paano ia-address properly at iha-handle ang behaviour or attitude problem ng talent.

“Tapos, isama na sa kontrata ‘yung kada project na gagawin, kailangan, papirmahin ang bata at magulang (kung minor pa ang kanilang anak) na tinanggap nila nang buong puso at excited silang gawin ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


“Na alam nilang makakatulong ang project na yon sa ikauunlad ng kanyang career na hindi nila alam kung paano patakbuhin, kaya kinuha ang expertise mo bilang manager.

“Tapos, ilagay na din sa kontrata na ‘in the absence of the manager, the road manager will be there for the talent. And if the talent doesn’t want the presence of his road manager, his own personal assistant shall be present from start to finish for the scheduled work or commitment.’

“Tapos lahat ng moves or desisyon ng bawat isa ay kailangan, hindi surprise para hindi nagkakabiglaan. Ipagpapaalam ng talent ang lahat ng moves niya na pwedeng makaapekto sa kanyang career para hindi nangyayari na mag-damage control ang manager sa kagagahan at kagaguhang ginawa ng talent,” paliwanag ni Ogie.

Baka Bet Mo: Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?

Dagdag pa niya, “Kaya ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager, pero hindi alam ng mga nagmamarunomg kung gaano kahirap maging manager.

“Para kang nag-iri ng sanggol, hanggang paglaki niyan, sa ‘yo yan aasa. Ikaw ang takbuhan niyan pag me problema silang personal kahit di na sakop ng trabaho mo yon bilang manager,” sabi ng talent manager.

Kamakailan ay nagkaroon na ng pormal na pirmahan ng kontrata sina Ogie at Konsehala Aiko Melendez bilang manager at talent na ayon mismo sa aktres ay matagal na niyang kinukulit ang kumpare’t kaibigan na i-manage siya pero ayaw ng una dahil mas gusto niyang maging magkaibigan sila, pero sa kalaunan ay nauwi rin sa kontrata.

Dagdag tips pa ni Ogie, “Eto, sinabi ko din ito sa vlog ni Aiko Melendez — ang role ng manager ay tagaharang ng balang tatama sa talent.

“And worse—kasama na sa trabaho ng manager ang maging demonyo, manatili lang anghel sa mata ng publiko ang kanilang talent.

“Anyway, mas dumami po ang gustong magpa-manage sa akin ngayon. Hahaha! Ewan ko kumbakit, pero maraming salamat sa confidence nyo sa akin. Pero mellow muna po ako, dahil busy po sa ibang bagay na less sakit ng ulo,” sabi nito.

Samantala, nagpasalamat si Ogie sa mga nanonood ng vlog niya dahil magsisilbing resibo iyon kung siniraan nga niya ang dati niyang alaga at abangan ang sagot nito later.

“At maraming salamat din sa lahat ng nakapanood ng mga past episodes ng Ogie Diaz Showbiz Update! And how I wish, napanood sana ng lahat ng tao na hinusgahan ang buong pagkatao ko at naniwala sa isang panig lang.

“Mamaya po, ang panig ko naman ang panoorin nyo sa YouTube channel ko. Uunahan ko na po kayo, hindi po ako doon umiyak,” sabi pa ni Ogie.

Hugot ni Ogie Diaz bilang talent manager: ‘Apakahirap! Para kang buntis!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza matindi ang tampo kay Ogie Diaz: ‘I felt that he’s trying to tarnish my name…anak pa man din ang tawag niya sa ‘kin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending