Aiko pumirma na ng kontrata kay Ogie Diaz; Baron Geisler magbabalik sa 'The Iron Heart' | Bandera

Aiko pumirma na ng kontrata kay Ogie Diaz; Baron Geisler magbabalik sa ‘The Iron Heart’

Reggee Bonoan |March 10,2023
facebook
share this

Aiko pumirma na ng kontrata kay Ogie Diaz; Baron Geisler magbabalik sa ‘The Iron Heart’

Reggee Bonoan - March 10, 2023 - 10:38 PM

Aiko pumirma na ng kontrata kay Ogie Diaz; Baron Geisler magbabalik sa 'The Iron Heart'
PAGKALIPAS ng isang taon mula nang magpa-manage si Konsehala Aiko Melendez kay Ogie Diaz ay verbal lang muna ang usapan nila.

Pero kaninang hapon ay may post si Konsi Aiko ng 5th District of Quezon City na finally ay nagka-pirmahan na sila ni Ogie ng kontrata as talent and manager.

Ang caption ng aktres/politiko sa mga larawang pinost niya sa kanyang Facebook account habang pumipirma sila ng kilalang talent manager/content creator at negosyante.

“Just inked….Ogie Diaz. Sealed it with love and formality. Finally, under the wing and care of my long time friend, confidant. I’m sure there are so many beautiful things that we still can explore together. Thank you.”

Tinanong namin ang pinag-uusapang ex-talent manager ni Liza Soberano kung bakit need pang mag-pirmahan at ilang taon gayung nabanggit nito dati na okay lang kahit walang kontrata dahil matagal na silang magkaibigan.

Baka Bet Mo: Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Sagot ni Ogie sa amin, “5 years. Ok lang naman. I told her, pag di ka na masaya, just let me know, let’s save our friendship for more than 3 decades.”

Biniro namin na if ever may offer kay konsi Aiko na mag-audition sa Marvel ay huwag niyang pigilan.

“Ha, ha, haha.  Basta may imbitasyon, why not?” mabilis nitong sabi.

Congratulations Ogie at konsi Aiko.

* * *

Sa umeereng episodes ng seryeng “The Iron Heart” ay marami pang rebelasyon at matitinding action scenes ang dapat abangan ng manonood sa pagbabalik ng karakter ni Baron Geisler na si Janus na magsisilbing tinik sa buhay ni Apollo (Richard Gutierrez).

Ani ni Baron, “Yung character ko po ay mayabang and ambisyoso. Meron akong alam na intel na magagamit ko na ikakasira ng karakter ni Richard. ‘Yan ang exciting, sino ang aapihin o guguluhin ni Janus.”

Labis ngang nasiyahan si Baron nang malaman niyang babalik siya sa serye.

“Exciting when I asked our writer Henry (Quitain) kung ano ang gagawin ko pagbalik. Sobrang happy ako sa mangyayari. I don’t know what to expect but all I know is I’ll do my best. Ang bida rito is the story and we’re going to work really hard to entertain the masses and people who are watching.” Dagdag pa niya,”I’m looking forward na makipagbakbakan kina Richard and Jake.”

Bukod naman kay Baron, nasilayan na rin ng manonood ang karakter ni Heaven bilang si Daphne, isa sa mga tumutulong kay Echo (Diether Ocampo) sa pagsu-supply ng ilegal na vape juice sa mga kabataan.

Alamin nga kung ano pa ang magiging papel ni Daphne sa buhay ni Apollo ngayong sinisimulan na rin ng agent ang pagpapabagsak kay Echo. Matunugan din kaya niya ang misteryosong pasyente ni Selene na si Janus?

Tutukan ang “The Iron Heart,” 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.

Related Chika:
Aiko Melendez nasira ang maleta, disappointed sa isang airline: Our belongings should be treated with proper care

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni Aiko Melendez sa mga baguhang artista: ‘Be humble…matutong magpasalamat’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending