Liza Soberano ayaw pa ring tantanan ng bashers: ‘Bawasan ang pagkataklesa…mag-isip muna bago tumalak’
HATI ang reaksyon ng netizens sa “Lie Detector Challenge” interview ni Bea Alonzo kay Liza Soberano na in-upload nitong Linggo ng gabi kung saan napakaraming rebelasyon tungkol sa iba’t ibang isyu.
Nagulat ang lahat sa pagtatapat ni Liza na ang pelikulang “Hello Love Goodbye” ay sa kanila ng boyfriend niyang si Enrique Gil unang inalok pero may pumigil dahil may iba silang project na gagawin, nagsabi pang gusto niyang gawin ang pelikula at i-save ito para sa LizQuen.
Hanggang nalaman niyang in-offer din ito kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi natuloy hanggang sa ialok na rin daw kina Enrique at Kathryn bagay na ikinatakot nga ni Liza.
Inalala kasi ng dalaga ang mararamdaman ng mga LizQuen fans, baka raw hindi pa handa ang mga ito na itambal sila ni Enrique sa iba. Hanggang napunta nga kay Alden Richards ang project kasama si Kathryn.
View this post on Instagram
Kinlaro rin ni Liza na walang namamagitan sa kanila ng manager niyang si James Reid kahit lagi silang nakikitang magkasama at nasa iisang bahay lang sa Los Angeles, California.
Ayon sa dalaga, sadya niya itong ginagawa para makilala siya as solo artist kaya hindi rin sila nakikitang magkasama ng boyfriend niyang si Enrique.
Umabot sa mahigit kalahating oras ang panayam ni Bea kay Liza at bawa’t bitaw niya ng salita ay pang-title kaya naglabasan ito sa iba’t ibang anggulo sa pahayagan, showbiz websites, online news at pinik-ap din ng iba’t ibang YouTuber.
Sa mga nabasa naming komento sa thread ng isinulat namin dito sa BANDERA ay marami ang nagtatanggol sa aktres at marami rin ang nagsabing naging careless siya sa mga pinagsasabi niya.
Sabi ni @Nemia Agustin, “Liza can do n say whatever she wants. Sabi lang nga ng isang ABS CBN executive think before you open your mouth. Ano ibig sabihin nyan? Bawasan ang pag ka taklesa.”
Ipinagtanggol naman ni @Enrico Madrono ang aktres, “Liza is very simple, kaya wag kayo nag jujudge sa kanya.”
Say ni @Grace Jay, “Panuorin niyo po hanggang sa dulo before judging the person. ‘Yan kasi ang problema, maka-comment parang alam na alam ang buhay ng mga artista.”
View this post on Instagram
Opinyon ni @Theodoro Dagon, “They’re (Careless- the new management team) probably don’t know how showbiz is supposed to be or how to handle talent like me because they’re never experienced it, but there’s no harm in trying to learn the process but one thing is for sure, they do take care of me.”
“LOL! This is a disaster. If her new team doesn’t know the landscape of local showbiz, then how can they plot the trajectory of her career. No wonder her vlog and interviews doesn’t seem to be coherent nor consistent with the image/brand she wants to project. You need to hire a seasoned publicist, gurl so that you can take control of your narrative. Right now it is all over the place and your fans are getting turned off.”
Payo ni @Ramon Magalan Naria kay Liza, “’Wag maging careless sa mga binibitiwang salita it might incriminate you.”
Sabi ni @Zurie Styles, “Nagrereklamo ka na nakulong ka sa Isang love team eh ikaw naman pala Ang takot kumawala sa love team… Contradicting Ang mga pinagsasabi mo! Ewan ko sayo!”
Mula naman sa Amerika ang komento ni @Danding Soriano, “She’s Want it Fuzzy Only.”
Isa pang nagpayo kay Liza na si @Ria Torrente, “Being Asian in Hollywood? Yeah good luck that’s like getting through a needle.”
At sa sinabi ni Liza na wala silang “something” ni James ang komento ni @La Ki, “Hay nako. Baka more than that pa ang nangyayari sa kanila. Considering they live the same roof in America. Di kayo magtatagal yan ang patutunguhan nyo.”
Samantala, nabasa naman namin ang tweet ng dating TV executive ng ABS-CBN na si Ms. Ethel Espiritu na isa sa 11,000 empleyadong naapektuhan sa pagkawala ng prangkisa ng network.
Walang binanggit na pangalan si Ms. Ethel kung sino ang pinapayuhan niya sa tweet niya pero sa tingin namin ay si Liza ito dahil nabanggit ang pangalan ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo.
Tweet niya, “Tsaka ako ito ha. If she really wanted to clear things out- it should not be Bea Alonzo to interview her. It’s not good for both of them-for obvious reason/s we all know. Anyway, I will go back to minding my own business in this showbusiness have a great week ahead! Peace!
“I think she should review and reassess before she opens her mouth, again. Personal career growth media release gone wrong. Andun ‘yung magandang intention niya where we all agree-right comm plan lang and use of right words. Let’s not be careless lest we be misunderstood.
“Regardless of timelines, bottomline na ata nito ay good comm plan strategy. Damage control. Pananaw ko lang po ito. Please don’t get mad, we all want what’s best for her and all of them. Maliit lang industriya na iniikutan namin. We will see each other somehow, somewhere, someday.”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Liza tungkol sa mga komento ng netizens.
Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’
Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.