Carmina harap-harapang kinompronta ang Kapuso actress na si Lianne Valentin: 'Totoo bang nagkarelasyon kayo ni Zoren?' | Bandera

Carmina harap-harapang kinompronta ang Kapuso actress na si Lianne Valentin: ‘Totoo bang nagkarelasyon kayo ni Zoren?’

Ervin Santiago |April 04,2023
facebook
share this

Carmina harap-harapang kinompronta ang Kapuso actress na si Lianne Valentin: ‘Totoo bang nagkarelasyon kayo ni Zoren?’

Ervin Santiago - April 04, 2023 - 04:38 PM

Carmina harap-harapang kinompronta ang Kapuso actress na si Lianne Valentin: 'Totoo bang nagkarelasyon kayo ni Zoren?'

Carmina Villarroel, Lianne Valentin at Zoren Legaspi

SHOOKT ang Kapuso sexy actress na si Lianne Valentin nang harap-harapan siyang tanungin ni Carmina Villarroel tungkol sa asawa niyang si Zoren Legaspi.

Halatang hindi inasahan ni Lianne ang nakakalokang question ni Carmina nang mag-guest siya sa Kapuso morning show na “Sarap, ‘Di Ba?” last Saturday, April 1.

Tila na-hotseat ang dalaga sa programa kung saan host si Carmina kasama ang kambal na anak nila ni Zoren na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Sa cooking segment ng show ay ipinakita ni Lianne sa manonood ang galing niya sa pagluluto kasama ang komedyante at TV host na si Boobay.

Habang inihahanda at iniisa-isa ni Lianne ang mga ingredients para sa lulutuing  chicken and lemongrass skewers curry ay humirit ng maintrigang tanong si Carmina.

Sey ng Kapuso TV host-actress, “Since first time ka lang nag-guest dito, Lianne, di ba?” na sinagot ng Kapuso star ng, “Yes po.”

Baka Bet Mo: ‘Under the table’ scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin may 14M views na; ‘First Lady’ loyalists inaatake na ng ‘sepanx’

Diretsong tanong ni Carmina sa kanya, “Totoo ba na nagkarelasyon kayo ni Zoren?”

Biglang tumigil si Lianne sa kanyang ginagawa at kitang-kita ang pagkabigla sa tanong ni Carmina. Natawa naman si Boobay sa naging reaksiyon ni Lianne.

Nag-dialogue agad si Carmina ng, “Sa show! Sa show! Hindi pa ako tapos!” Ang tinutukoy ni Mina ay ang Kapuso afternoon drama series na “Apoy sa Langit” na umere noong 2022

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lianne Valentin (@lianne.valentin)


Hirit ni Boobay, “Nabigla din siya (Lianne) Ms. Mina.”

Reaksyon ni Lianne, “Nagulat ako sa tanong, grabe po!” Hindi niya sinagot ang tanong ng wifey ni Zoren at nagpatuloy lang sa kanyang pagluluto.

Ang sabi sa kanya ni Carmina, “Teka lang, sagutin mo yung tanong ko.” Na sinagot ni Lianne ng, “Po, sa show po?”

Ang tila nagbabanta namang reaksyon ng TV host-actress, “Sana. Dahil kung sa totoong buhay, ay naku! Baka mamaya ipa-guest na kita kay Boy Abunda.”

Ang tawa naman nang tawang chika ni Lianne, “Sa show po, opo.”

Gumanap na kabit ni Zoren si Lianne sa  “Apoy sa Langit” kung saan nakasama rin nila sina Maricel Laxa at Mikee Quintos. At mukhang napagtripan nga ni Mina ang leading lady ng kanyang mister.

Zoren Legaspi, Lianne Valentin halos ‘isumpa’ ng Kapuso viewers; Lyca Gairanod mapapanood na sa GMA 7

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa ibinuking ni Annabelle, araw-araw umiiyak nang mawalay sa 2 anak; Lianne Valentin pak na pak na kontrabida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending