'Under the table' scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin may 14M views na; 'First Lady' loyalists inaatake na ng 'sepanx' | Bandera

‘Under the table’ scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin may 14M views na; ‘First Lady’ loyalists inaatake na ng ‘sepanx’

Ervin Santiago |June 21,2022
facebook
share this

‘Under the table’ scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin may 14M views na; ‘First Lady’ loyalists inaatake na ng ‘sepanx’

Ervin Santiago - June 21, 2022 - 10:12 AM

Zoren Legaspi, Lianne Valentin, Sanya Lopez at Gabby Concepcion

NGAYON pa lang ay marami nang inaatake ng sepanx (separation anxiety) sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA primetime series na “First Lady.”

Bukod sa napakatamis na pagsasama nina Melody (Sanya Lopez) at President Glen Acosta (Gabby Concepcion), inaabangan din ng viewers ang mga rebelasyon at pagsubok na kanilang haharapin sa huling dalawang linggo ng serye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


Pero timeout muna sa mga plot twists at rebelasyon dahil ang “maids in the palace” ay magpapa-impress!

Sino kaya ang tatanghaling Binibining Kasambahay ng Palasyo 2022?

Bukod kay Jestoni Alarcon, inaabangan na rin ng Kapuso viewers kung sinu-sino pa ang Kapuso stars na magkakaroon ng special participation sa much awaited finale ng top-rating series.

Tutok lang sa last 10 days ng “First Lady” gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad.

* * *

Trending at usap-usapan ng netizens at viewers ang mainit na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa GMA Afternoon Prime series na “Apoy Sa Langit.”

As of this writing, umabot na sa 14 million views ang eksenang “May Milagrong Ginagawa sa Ilalim ng Mesa’ na posted sa official GMA Facebook page.

Mapapanood dito sina Cesar (Zoren) at Stella (Lianne) na patuloy pa rin ang pagtataksil at pagpapaikot kay Gemma (Maricel Laxa).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)


Bentang-benta sa netizens ang eksenang ito na bilib sa husay nina Zoren at Lianne sa pagganap sa kanilang mga karakter.

Aliw na reaction ng isang Facebook user sa dialogue ni Zoren sa naturang trending scene, “Kaya mahirap yung may mga gout, eh.”

Samantala, mas titindi pa ang mga susunod na eksena sa serye dahil mabubuko na sa wakas ang lihim nina Cesar at Stella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito na kaya ang katapusan ng kanilang panlilinlang kina Gemma at Ning (Mikee Quintos)? Mapapanood ang “Apoy Sa Langit” mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA Afternoon Prime.

Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng ‘sepanx’ sa ‘paghihiwalay’

Jaclyn inaatake na ng depresyon dahil sa pandemya: Nakakatakot, very, very hard, and so scary…

Kris Bernal inaatake ng ‘sepanx’ matapos sumabak sa ‘nakakalokang’ lock-in taping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending