Ruffa ibinuking ni Annabelle, araw-araw umiiyak nang mawalay sa 2 anak; Lianne Valentin pak na pak na kontrabida | Bandera

Ruffa ibinuking ni Annabelle, araw-araw umiiyak nang mawalay sa 2 anak; Lianne Valentin pak na pak na kontrabida

Ervin Santiago |July 03,2022
facebook
share this

Ruffa ibinuking ni Annabelle, araw-araw umiiyak nang mawalay sa 2 anak; Lianne Valentin pak na pak na kontrabida

Ervin Santiago - July 03, 2022 - 07:25 AM

Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama

IBINUKING ng talent manager na si Annabelle Rama na halos araw-araw daw umiiyak si Ruffa Gutierrez nang mawalay sa kanya ang mga anak nang ilang linggo.

Kuwento ni Annabelle, nakikita niya ang anak na palaging lumuluha dahil sa sobrang pagka-miss niya kina Lorin at Venice na nakipagkita sa ama nilang sa Yilmaz Bektas sa Turkey.

Napag-usapan ang tungkol dito nang mag-comment at magpayo si Annabelle sa “Showtime Sexy Babe” segment ng “It’s Showtime” sa isang contestant na hinahanap ang kanyang tatay.

“‘Yung tungkol sa tatay mo na wala at hindi mo siya nakikita, magaling ka naman kumanta kaya ipagpatuloy mo ‘yung singing career mo.

“Kasi baka sumikat ka, at baka ang tatay mo ang tumawag or magpakita sa‘yo,” pahayag ni Annabelle sa nasabing contestant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Pagpapatuloy ng nanay ni Ruffa, “Tulad ng dalawang apo ko, 17 si Venice, 18 si Lorin, 15 years nilang hindi nakita ‘yung tatay nila. Ngayon nagkita-kita na sila so baka swertehin ka rin.”

Bigla namang ipinakita si Ruffa sa screen na tumutulo na rin ang luha dahil naapektuhan siya sa sinabi ng kanyang ina, “Itong si mommy, nakakaiyak ‘yung mga comment. Parang ako ‘yung natamaan.”

“Sa totoo lang, every day ka na umiiyak. Tama na ‘yan,” ang sabi naman ni Annabelle sa anak.
Nilinaw naman ni Ruffa na ang pagiging emosyonal at pag-iyak niya nang mga oras na yun ay luha ng kaligayahan.

“Yes, tears of joy kasi after 15 years nga nag-reunite na sila,” mariing sabi pa ng aktres.

* * *

Mainit talaga ang pagsuporta ng netizens sa hit GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit”.

Muli na naman kasing nag-viral sa Facebook ang isa nitong episode na “Stubborn Stella on the Loose” na may 4 million views and counting sa loob lang ng ilang oras!

Nasa 2.2 million views naman ang isa pang eksena na pinamagatang “Pictorial Turned Disaster.”

View this post on Instagram

A post shared by Lianne Valentin 🤍 (@lianne.valentin)


Mapapanood dito ang labis na pagkainggit ni Stella (Lianne Valentin) sa maternity shoot ni Gemma (Maricel Laxa) habang kasama si Cesar (Zoren Legaspi). Kaya naman gumawa na naman si Stella ng masamang plano laban kay Gemma.

Bagamat nakakainis ang kanyang karakter, hanga ang netizens at Kapuso viewers sa pagganap ni Lianne bilang ang kontrabidang si Stella.

“Nakakaloka talaga ang istorya, parang totoo. Araw-araw inaabangan ko ito. Galing nila super,” komento ng isang netizen sa Facebook page ng GMA Drama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Apoy sa Langit” mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA Afternoon Prime.

Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!

AJ Raval buong araw umiiyak matapos gawin ang mga sex scenes sa 4 na lalaki: Tapos tumakbo po ako sa friend ko…

Daniel ibinuking ang matinding crush noon ni Joshua sa isang young actress na mommy na ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending