Lolit Solis ibinunyag na madasalin sina Alden, Tito Boy: Kaya siguro lahat ng hiling nila pinagbibigyan ng langit…
KASABAY ng paggunita ngayong Semana Santa ay ibinunyag talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang dalawang celebrities na malapit sa Diyos.
Sila’y walang iba kundi ang Kapuso actor na si Alden Richards, pati ang binansagang King of Talk na si Boy Abunda.
“Dalawang taon na alam ko na madasalin Salve sila Boy Abunda at Alden Richards,” caption ni Manay Solis sa kanyang Instagram nitong April 7.
Sey pa niya, “Talagang lagi nila sinasabi na lahat ng biyaya na natatanggap nila galing sa Itaas.”
Inihayag pa ng batikang kolumnista na parehong may matinding debosyon sa Birhen Maria ang aktor at TV host.
“Si Alden Marian devotee pa yata dahil sa namatay niya mother. Si Boy Abunda naman hanggang ngayon suot ang scapular ni Mama Mary,” chika niya.
Ani Manay Solis, “Si Mama Mary bilang Ina natin lahat ang nagdarasal para pagbigyan ng kanyang anak na si Jesus ang mga dasal natin. Kaya naman napakarami ng lumalapit sa kanya para humingi ng awa.”
Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis sa mga talent manager: ‘Kapag ayaw na sa ‘yo, let go, huwag mong habulin ang gustong umalis’
View this post on Instagram
Ang pagiging madasalin daw ang dahilan kaya madalas matupad ang mga kahilingan ng dalawang celebrities.
Dagdag niya, “Talagang napaka powerful ng dasal para sa atin lahat. Kaya siguro lagi na lahat ng hiling nila Boy Abunda at Alden Richards pinagbibigyan ng langit, dahil malapit sila kay Mama Mary.”
Payo pa ni Manay Solis sa madalang pipol na laging magdasal kay Mama Mary upang maging matagumpay rin katulad nina Alden at Tito Boy.
“Kaya kung gusto ninyo maging successful tulad nila Boy Abunda at Alden Richards, pray din kayo kay Mama Mary. Halika na sa Baclaran Gorgy at Salve, simba na tayo, bongga [smiling face with hearts emoji].”
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.