Vanessa Hudgens tumangging sagutin ang ilang tanong ni Boy Abunda: ‘Kapag hindi mo sinagot, hindi ako namimilit…I don’t push it’
MAY mga maiintrigang tanong ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda na hindi sinagot ng Hollywood star na si Vanessa Hudgens.
Si Tito Boy ang nagsilbing host sa kontrobersyal na mediacon ng Filipino-American international singer-actress na ginanap sa Manila House Private Club, BGC, Taguig City, nitong nagdaang Biyernes, March 31.
Marespeto namang sinabi ni Vanessa na hindi siya kumportable na sagutin ang kanyang tanong, partikular na ang tungkol sa detalye ng kanyang kasal sa fiancé niyang si Cole Tucker.
Kaya naman pagkatapos ng nasabing event, natanong ng ilang members ng press si Tito Boy tungkol dito, lalo pa’t palagi ring magiging kontrobersyal ang panayam niya sa “Fast Talk With Boy Abunda.”
View this post on Instagram
“With Fast Talk kasi, kapag hindi mo sinagot, hindi ako namimilit. Totoo yan. I don’t push it. Pero ang daming nahuhuli dun, e. Andaming nahuhuli du’n. Some listen to the questions intently pero pag alam mong may resistance, di ba?”
Napi-feel ba niya kapag natatakot ang ilang celebrities habang nakasalang sa “Fast Talk,” “Oo naman. At alam din ng mga artista na to the best of my ability, naghahanda ako.
Baka Bet Mo: Xian Gaza nakisali sa isyu nina Vanessa Raval at Skusta Clee: Hindi ako naniniwala na papatol ka sa ganun kapangit
“Ang lente na ginagamit ko pag nag-iinterbyu ay sabi nga ni Vanessa, storytelling. Hindi yung laki o liit, yung sikat o hindi. Hindi,” aniya pa.
More than two months na ang “Fast Talk With Boy Abunda” kaya naman natanong din siya kung kumportable na siya sa kanyang programa sa GMA, “The show is new every time you do it. Iba-iba, e. Iba-iba ang rhythm, iba-iba ang personalidad.
View this post on Instagram
“Iba-iba yung dynamics ng bawat bisita. Kahapon nagulat ako kay Gladys Reyes. Nakakapagod! Meron kaming 30 seconds na titigan na walang line. Nagtitigan lang kami.
“It’s fun, it’s fun. But ang challenge is to be able to combine ito, itong mga kalokohang ito, with a conversation. In the same way, halimbawa, kay Vanessa Hudgens today. I was going into the Filipino heritage, but I wanted to go into the process of Vanessa as an actor.
“Dahil in my research, of course I love Tick, Tick… Boom! (pelikula ni Vanessa noong 2021). Yung The Princess Switch, sabi ko sa kanya backstage, ito yung pelikula that we will keep on watching over and over and over pag halimbawa Pasko. It’s a different experience every time you do an interview with someone,” sabi pa ni Tito Boy.
Ang tanong, knows kaya ng premyadong TV host ang kontrobersyang kinasasangkutan ni Direk Paul Soriano na nangyari sa presscon ni Vanessa. Ang husband ni Toni Gonzaga ang nagdirek ng travel docu ni Vanessa na kinunan sa Pilipinas.
Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit
Vanessa Hudgens bumisita sa Malacañang, itinanghal bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.