Lolit Solis mas humanga kay Klea Pineda: Huwag itago ang tutoong ikaw! | Bandera

Lolit Solis mas humanga kay Klea Pineda: Huwag itago ang tutoong ikaw!

Therese Arceo |March 24,2023
facebook
share this

Lolit Solis mas humanga kay Klea Pineda: Huwag itago ang tutoong ikaw!

Therese Arceo - March 24, 2023 - 11:44 PM

Lolit Solis mas humanga kay Klea Pineda: Huwag itago ang tutoong ikaw!

BUMILIB ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa Kapuso actress na si Klea Pineda matapos ang pag-amin nito bilang kabahagi ng LGBTQIA+ community.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin patungk sa pag-amin ng dalaga.

“Gusto ko iyon ginagawang pagtanggap ng isang tao kung sino at ano siya talaga Salve. Like iyon confession ni Klea Pineda na isa siyang gay , na meron siyang GF na babae,” umpisa ni Lolit.

Aniya, “The worst thing you can do in your life is iyon itago mo kung ano ang nararamdaman mo, at kung ano ang gusto mong gawin.

Chika ni Lolit, dapat raw talagang hangaan si Klea lalo na at hindi iti natakot sa magiging outcome ng ginawa kahit na maaari siyang husgahan ng iba. Ang importante ay ang kanyang kalayaan at kasiyahan.

“Talagang dapat hangaan si Klea Pineda dahil hindi siya natakot sa outcome ng ginawa niya, instead mas inuna niya ang freedom na gusto niya para sa sarili niya.

“Kaya nga siguro kahit saan anggulo mo tignan si Klea ang ganda niya kasi nga wala siyang itinatago,” lahad pa ni Lolit.

Baka Bet Mo: Jak Roberto sa pakikipag-date kay Klea Pineda: ‘Ikaw ha, baka pinag-eksperimentuhan mo lang ako’

Bukod pa rito, sinabi rin niya na kaya maganda ang aura ni Klea ay dahil totoo ito sa sarili at sa mga tao.

Bet na bet rin ni Lolit ang suportang natatanggap ng dalga mula sa kanyang pamilya.

“Kahanga hanga talaga at kailangan tularan ng ibang closet queens. Be honest, be proud. Huwag itago ang tutoong ikaw.

“Isigaw mo iyan sa buong mundo, ipagmalaki mo. Huwag ka matakot, aminin mo, free yourself, at tatanggapin ka tiyak ng mundo. Love you Klea Pineda, bongga ka!” hirit pa ni Lolit Solis.

Matatandaang agad na nag-trending ang “StarStruck” season 6 Ultimate Female Survivor matapos nitong aminin sa kanyang 24th borthday post na isa siyang LGBTQIA+ member.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self. Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Klea Pineda game pa ring makipaghalikan sa lalaki kahit umaming ‘gay’, pinuri ng kapwa celebs: ‘Ang tapang! Go, go, go!’

Klea Pineda inatake ng depresyon dahil sa body shaming: Humahanap sila ng butas para hilain ka pababa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending