Klea Pineda inatake ng depresyon dahil sa body shaming: Humahanap sila ng butas para hilain ka pababa
Tracy Perez at Klea Pineda
NANG dahil sa panglalait at pang-ookray ng mga netizens sa kanyang katawan, nagkaroon ng depression ang Kapuso actress na si Klea Pineda.
Naging biktima rin ng body shaming ang dalaga sa social media na talagang nakaapekto sa kanyang mental health dahil grabe na raw ang mga ibinabatong malilisyosong salita laban sa kanya.
Kamakailan ay nag-post ng ilang litrato si Klea sa Instagram na kuha sa bonggang pagbabakasyon niya sa beach. Pinusuan at ni-like naman ito ng kanyang followers kasabay ng papuri sa sexy photos niya.
Ayon sa “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” lead star, kinakarir na niya ngayon ang kanyang fitness goals kasunod ng pag-amin na naging biktima rin siya ng body shaming.
Dahil dito, nakaramdam daw si Klea ng self-doubt at nawalan din ng kumpiyansa sa sarili dahil sa mga nababasang komento mula sa body shamers.
“Nitong mga nakaraang months, nawala yung self-esteem ko, self confidence ko. Nawala ‘yon sa akin and ‘yon yung isa sa mga naging problem ko na nagkaroon ako ng slight depression,” pahayag ni Klea.
“Ang hirap sa totoo lang na makabasa ng ganoon. Humahanap sila ng butas para hilain pababa yung kapwa babae nila o kapwa tao nila. Bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa isa’t isa?” sabi pa ng dalaga sa panayam ng “24 Oras”.
Sa ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagwo-workout ni Klea hindi lang para magpapayat kundi para mas palakasin pa ang kanyang katawan para makaiwas sa kahit anong uri ng sakit.
Samantala, maraming fans na ang abangers sa mini-drama series niyang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” kung saan makakatambal niya ang Kapuso hunk na si Jak Roberto.
Kuwento ng dalaga sa panayam ng GMA, isa raw sa pinaka-challenge na hinarap niya sa paggawa ng “Never Say Goodbye” ay ang pagsusuot ng prothestics na ilang oras ginagawa ng production.
Magsisimula nang umere ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sa Oct. 18 sa GMA Afternoon Prime kapalit ng “Loving Miss Bridgette.”
* * *
Ngayong gabi, (Oct. 10) sa GMA 7, panoorin ang historic journey ng pagkapanalo Cebuanang si Tracy Maureen Perez sa Miss World Philippines 2021 pageant.
Forty-five candidates armed with their grit and grace vied for the crown and only seven emerged victorious.
Bukod kay Tracy, tutukan din ang pagrampa ng iba pang reyna tonight tulad nina Emmanuelle Vera as Reina Hispanoamericana Filipinas, Kathleen Paton as Miss Eco Philippines, Tatyana Austria as Miss Eco Teen Philippines, Shaila Rebortera as Miss Multinational Philippines, Tricia Martinez as Miss Tourism Philippines, at Michelle Arceo bilang Miss Environment Philippines.
Kapuso actress and “I Left My Heart in Sorsogon” star Michelle Dee also took her final walk and bid farewell to her reign as Miss World Philippines 2019.
Making the event more remarkable were coronation hosts Xian Lim, RJ Ledesma, Winwyn Marquez, Alyssa Muhlach, and Thia Thomalla, together with guest performers Geneva Cruz and RJ Agustin.
Ilan sa mga naging judge sa pageant ay sina First Vice President for Program Management Department Jose Mari Abacan, Kapuso stars Anna Vicente and David Licauco, Presidential Spokesperson Harry Roque, Senator Bong Revilla, Senator Miguel Zubiri, Celeste Reyes, Genevieve Christine Montano, Renato Lee, Mitos Magsaysay, Elisse Joson, Albert Kurniawan, Teejay Marquez, Aldwin Alegre, at Mika Atayde.
Don’t miss the grand coronation night this Sunday at 10:30 p.m. after “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.