Klea Pineda mas na-feel ang pagdadrama sa 'Never Say Goodbye' nang 'magpakalbo' Bandera

Klea Pineda mas na-feel ang pagdadrama sa ‘Never Say Goodbye’ nang ‘magpakalbo’

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Klea Pineda mas na-feel ang pagdadrama sa ‘Never Say Goodbye’ nang ‘magpakalbo’

Ervin Santiago October 14, 2021 - 08:52 AM

Jak Roberto at Klea Pineda

MATINDI ang mga hinarap na challenges ng Kapuso actress na si Klea Pineda sa ikalawang episode ng mini-drama series na “Stories From The Heart”, ang “Never Say Goodbye.”

Trailer pa lang ng latest series ng GMA, ay todo drama na sila ng leading man niyang si Jak Roberto kasama pa si Lauren Young. Sa ilang mga eksena ay ipinakitang kalbo na si Klea.

Sa ginanap na virtual mediacon ng bagong Kapuso teleserye ay natanong ang dalaga kung gaano kahirap ang ginampanan niyang role at paano ito nakaapekto sa kanya bilang artista.

“Actually hanggang ngayon, nag-aaral pa rin ako para magkaroon pa rin ako ng knowledge pagdating sa acting ng heavy drama dahil naniniwala ako na ang buhay talaga kailangan open ka na matuto sa lahat ng bagay. 

“Kailangan open ‘yung puso mo at ‘yung isip mo sa mga payo o advice na ibibigay sa ‘yo ng mga matatagal na sa industriyang ito,” tugon ng aktres.

Nais din niyang ipakita sa manonood na marami pa siyang pwedemg gawin bilang isang aktres, “Actually ‘yun naman talaga ‘yung goal ko rito sa industry, ang maging mahusay sa drama kumbaga. ‘Yun yung pinaka-goal ko at gusto kong mangyari sa career ko.”

Aniya pa, nakatulong nang malaki sa mga madadrama niyang eksena ang pagiging kalbo dahil mas feel na feel niya ang mga hugot ng kanyang karakter bilang si Joyce.

“Wala namang problema sa akin (ang maging kalbo) kasi malaking tulong din siya pagdating sa mga eksena lalo na sa sarili ko dahil mas napi-feel ko na mayroon talaga akong sakit. 

“Mas napi-feel ko ‘yung napi-feel ng character ko nu’ng nalagyan na ako ng prosthetics. 

“Wala naman problem sa akin na hindi magmukhang maganda or presentable sa harap ng camera as long as ginagawa ko ‘yung trabaho ko bilang aktor, ginagawa ko ‘yung parte ko bilang Joyce sa character ko. Okay ‘yon sa akin,” aniya pa.

Bukod kina Klea, Jak at Lauren, makakasama rin sa “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sina Snooky Serna, Max Eigenmann, Herlene Budol, Luke Conde, Shermaine Santiago, Kim Rodriguez, Mosang at Phytos Ramirez.

May special participation din sa serye sina Art Acuna at Joshua Zamora.

Tutukan ang world premiere ng “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sa Oct. 18, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending