Payo ni Lolit Solis sa mga talent manager: 'Kapag ayaw na sa 'yo, let go, huwag mong habulin ang gustong umalis' | Bandera

Payo ni Lolit Solis sa mga talent manager: ‘Kapag ayaw na sa ‘yo, let go, huwag mong habulin ang gustong umalis’

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Payo ni Lolit Solis sa mga talent manager: ‘Kapag ayaw na sa ‘yo, let go, huwag mong habulin ang gustong umalis’

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 08:22 AM

Payo ni Lolit Solis sa mga talent manager: 'Kapag ayaw na sa 'yo, let go, huwag mong habulin ang gustong umalis'

Liza Soberano at Lolit Solis

NATATAWA na lang ang talent manager at veteran entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa nangyayaring bangayan ngayon sa pagitan ng mga celebrities at ng kanilang mga talent manager.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga Marites all over the universe ang kontrobersyang kinasasangkutan ng vlogger na si Ogie Diaz at ng dati niyang talent na si Liza Soberano.

Nagkasagutan pa nga ang dalawa sa social media matapos aminin ni Liza na sumama ang loob niya kay Ogie dahil feeling niya ay sinisira siya ng dating manager.

In fairness, sabi naman ni Manay Lolit, napakaswerte niya dahil hindi siya nagkaroon ng issue o matinding problema sa kanyang mga talents.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


Aniya sa kanyang Instagram post, “Natatawa ako sa mga nangyayari ngayon between talents and managers. Ewan ko pero feeling ko napaka lucky ko sa mga alaga ko dahil hindi ako nagkaruon ng issue sa mga ito.”

“To think na wala akong kontrata sa kanila. Lahat kami honor system lang, lahat base on trust. Basta kasi katwiran namin nuon ni Douglas Quijano pag ayaw na sa iyo, let go. Huwag mong habulin ang gustong umalis.

“Saka lagi ko kasing basis pag tanggap ng talent iyon dapat may emotional attachment ako, iyon mahal ko bago ko ihandle. At so far, wala naman akong naging problema,” pahayag pa ng talent manager.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Ikinumpirma pa ni Manay Lolit sa isang pamilya ang relasyon ng manager at ng talent, “Kalungkot kasi na pag matagal na iyon samahan ninyo, at maghiwalay kayo, magkakaruon ng bitterness. Mas maganda na pag ayaw na, pareho ninyong tanggap ang ending ng samahan ninyo ng walang galit sa loob mo.

Baka Bet. Mo: Neri Miranda nahirapang maglihi kay Cash: Pero nu’ng nanganak ako ang bilis parang drive-thru lang

“Ang manager/talent relationship parang family din. Magkakahiwalay pero nanduon parin iyon good memories dapat.

“Melancholic nga ako nuon wake ni Douglas Quijano at Bibsy Carballo na nakita ko mga talents nila ang nag aasikaso. Talagang turing pamilya. Kaya sad pag makita mo na nag aaway ang dating magkakampi.

“It leaves a bad taste in the mouth. Sana maisip nila na after a long years of working together, dapat kung maghiwalay man, let it be.

“Walang siraan, walang bad words. Peace lang. Maliit lang ang showbiz, at magkikita kita kayo lagi, gusto mo bang lagi kang may iniiwasan, hindi maganda di ba ? Kaya no more word war, stay quiet, mas class pa, mas bongga,” pagbabahagi pa ni Manay Lolit.

Rabiya natatawa na lang sa mga ‘memes’ na kumakalat; tinawag na ‘echusera’ si MJ

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz tanggap ang pagkapanalo ng tambalang Bongbong-Sara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending