Ogie Diaz naguluhan sa 'commission issue' nila ni Liza Soberano: Saan ba galing kasi 'yun? | Bandera

Ogie Diaz naguluhan sa ‘commission issue’ nila ni Liza Soberano: Saan ba galing kasi ‘yun?

Therese Arceo |March 14,2023
facebook
share this

Ogie Diaz naguluhan sa ‘commission issue’ nila ni Liza Soberano: Saan ba galing kasi ‘yun?

Therese Arceo - March 14, 2023 - 05:31 PM

Ogie Diaz naguluhan sa 'commission issue' nila ni Liza Soberano: Saan ba galing kasi 'yun?
MUKHANG walang ideya ang talent manager na si Ogie Diaz sa kumakalat na chika hinggil sa kanyang pagkuha ng komisyon sa dating alagang si Liza Soberano.

Ito ay matapos lumabas ang part 2 ng exclusive interview ng aktres sa “King of Talk” na si Boy Abunda kung saan nilinaw nito kung totoo bang wala nang nakukuhang komisyon sa kanya ang talent manager sa nakalipas na dalawang taon.

Ani Liza, walang katotohanan na hindi na nakatatanggap ng komisyon si Ogie sa kanya dahil nakatanggap pa ng tseke ang talent manager mula sa mga brands na nag-renew bago pa matapos ang kanilang kontrata.

Dagdag pa niya, noong kasalukuyang isinasagawa ang interview ay makakatanggap pa ng tseke ang dati niyang talent manager bilang komisyon sa kanyang renewed brand deal dahil parte ito ng kontrata nila at ayaw niyang sumira sa pinirmahan.

Marami ang kumwestiyon kay Ogie matapos ang mga pahayag ni Liza lalo na’t may naunang lumabas na chikang wala na itong natatanggap na komisyon mula sa dalaga.

Tila naguluhan naman ang manager kung bakit may ganitong isyu kaya hindi nito napigilang mag-tweet.

Sey ni Ogie, “Komisyon for the last 2 years? Meron. Yung mga bagong projects and endorsements offers ang tinatanggihan ni Liza. Kaya nga gusto ko tanggapin na niya yung It’s ok to not be okay para active uli ang lizquen kahit wala na akong makuha. Saan galing ang komisyon issue?”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Kung matatandaan, may Facebook post noon si Xian Gaza kung saan natalakay niya ang pagtanggap ng komisyon ng talent manager sa aktres.

Ayon kay Xian, hindi na raw nakatatanggap ng commission si Ogie kay Liza sa huling dalawang taon na nasa pangangalaga pa niya ang dalaga.

“Hindi kasi nila alam na wala ka ng kinita kay Liza sa huling dalawang taon ng inyong kontrata. Hindi kasi nila alam na tinuruan mo siyang mag-invest sa mga lupa lupa kaya nag-x3 (times 3) yung kinita niya sa pag-aartista. Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager,” lahad ni Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Lumabas at nag-trending ang pahayag ni Xian patungkol sa pagkuha ng komisyon ni Ogie na pinick-up ng iba’t ibang entertainment sites.

Marahil ay ito ang nakaabot sa aktres bagay na sinabi niyang walang katotohanan lalo na’t walang paglilinaw na inilabas noon ang talent manager kaya naman marami rin ang naniwala.

Samantala, maglalabas naman ng pahayag si Ogie sa kanyang YouTube channel ngayong araw patungkol sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sagot ni Liza kapag nabigo sa Hollywood: ‘At least I tried, wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan’

Hugot ni Ogie Diaz bilang talent manager: ‘Apakahirap! Para kang buntis!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending