Ogie Diaz tanggap ang pagkapanalo ng tambalang Bongbong-Sara | Bandera

Ogie Diaz tanggap ang pagkapanalo ng tambalang Bongbong-Sara

Therese Arceo - May 13, 2022 - 10:41 PM

Ogie Diaz tanggap na ang pagkapanalo ng tambalang Bongbong-Sara
TANGGAP na ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ang pagkapanalo nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa nagdaang 2022 elections.

Matapos makita ang may kalakihang lamang ni Bongbong sa sinusuportahang kandidato ng talent manager base na rin sa partial at unofficial tally results na ibinahagi ng Comelec simula pa noong gabi ng Mayo 9 ay unti-unti na itong natanggap ni Ogie.

Sa katunayan ay nagbahagi na siya ng kanyang pahayag sa kanyang Facebook account.

Amin niya, dahil sa kanyang hayagang pagsuporta sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan ay marami ngayon ang bumabatikos sa kanya.

“’Tina-tag pa ako ng ilang supporters ni BBM. Pag sinilip mo ang mga accounts, kung hindi nagtatrabaho sa crusty krab, may picture na nakikipag-inuman sa kalye habang hubad baro; o kaya naman, walang personal na post para sa kanilang kandidato sa kanilang socmed accounts at papalit-palit lang ng profile pic. Sila yung masisipag lang dumayo at mag-comment sa mga posts mo,” panimula ni Ogie.

Aniya, hindi na siya makikipagtalo pa dahil wala naman nang problema sa kanya kung sina Bongbong at Sara ang manalo ngayong eleksyon.

“Kung si BBM/Sara man ang nanalo, to be honest, walang problema sa akin. Eh, yan ang pasya ng majority, eh. Lalo na kung sa malinis na paraan nanalo,” pagpapatuloy ni Ogie.

Bagamat aminado siyang nalungkot siya dahil natalo ang kanilang manok ay mas nalulungkot pa rin siya para sa bayan.

“Kasi ako, lagi kong sinasabi — kahit sino pa ang maging Pangulo, kakain ang pamilya ko. Kakain ang mag-iina ko. Hindi sila magugutom. Makakapag-aral ang mga anak ko. May sapat akong ipon, may maganda akong trabaho,” chika ni Ogie.

Sa katunayan nga ay back to work na siya at tuloy na ang buhay.

“Kung nagbubunyi ka sa pagkapanalo ng iyong manok habang wala ka pang work, hangad ko na sana’y magka-work ka na sa ilalim ng rehimeng BBM/Sara. At pag nagka-work ka, sana, okay din ang pasahod sa ‘yo ng papasukan mo.

“Kung hinahangad mo na maging beinte pesos ang bigas tulad ng ipinangako ni BBM, aabangan ko din ‘yan. Hindi na para sa akin, para sa lahat ng mga taong umasa na magiging 20 pesos nga per kilo ang bigas,” pagbabahagi ni Ogie.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

 

Ipagdarasal rin daw niya na maging mga basic commodities gaya ng asukal, kape, gatas, at iba pa ay mapababa rin ang presyo maging ang gasolina.

Dagdag rin ni Ogie, “Pero ito, wa echos talaga. Cross my heart. Sa mga BBM supporters, kasama n’yo ako pag me magagandang plano na maisasakatuparan para sa bayan ang susunod nating Pangulo.

“Hindi naman tayo bulag sa ganyan. Pag me magandang nagagawa ang pamahalaan, marapat lamang na papurihan at suportahan, lalo na’t taumbayan ang makikinabang.”

Sa kabila nito ay hiniling niya na sana ay maging aktibo rin ang mga ito sa pag-call out kung sakaling may dapat punahin sa gobyerno.

“Pero pag may mali, may anomalya, may korapsyon, sana, magkakasama rin tayong sumita at i-call out ang dapat i-call out. Okay ba ‘yon?” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Kung okay, please share this. Kung hindi ka sang-ayon eh wala naman na akong magagawa. Basta hangad ko pa rin na sana masarap ang ulam mo today and for the next six years.”

Related Chika:
Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz masayang makita si Kris Aquino: Palagi ko siyang ipinagdarasal

Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending