Ogie Diaz masayang makita si Kris Aquino: Palagi ko siyang ipinagdarasal Bandera

Ogie Diaz masayang makita si Kris Aquino: Palagi ko siyang ipinagdarasal

Therese Arceo |February 12,2022
share this

Ogie Diaz masayang makita si Kris Aquino: Palagi ko siyang ipinagdarasal

Therese Arceo February 12, 2022 - 10:35 PM

Ogie Diaz masayang makita si Kris Aquino: Palagi ko siyang ipinagdarasal
MASAYANG napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang latest vlog na showbiz update kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Kamakailan kasi ay muling nakita ng publiko si Tetay matapos nitong mag-post ng video para sa namayapang kapatid na si Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Alam mo, sa totoo lang ha, kapag nakikita ko na nagpo-post si Kris, tapos video pa yung kanyang pino-post. Nasisiyahan ako, naliligayahan ako. Kasi ibig sabihin, buhay pa rin si Kris, nasa tamang wisyo pa rin si Kris, at lumalaban pa rin siya sa buhay at na inilalaban pa rin niya ang kanyang kalusugan,” saad ni Ogie.

Napag-usapan nila ang nilalaman ng IG post ni Tetay kung saan humingi siya ng patawad sa kapatid patungkol sa hindi niya nasunod na bilin sa kanya ng kapatid na huwag nang mag-post at magsalita ng mga bagay na ire-regret rin niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Aniya, sumablay lang siya sa isyu sa pagitan ng kanyang huling nakarelasyon na si dating DILG Sec. Mel Sarmiento.

Sey ni Kri, pagkatapos daw ng kanilang video ay ime-message niya ito na napatawad na niya ito.

“Sana naman, all’s well that ends well sa pagitan ni Kris at ni Mel,” hiling naman ni Ogie matapos nilang basahin ang post ng ina nina Josh at Bimb.

Dagdag pa ng talent manager, “Pero seriously speaking, natutuwa ako na alive na alive si Kris Aquino. Lagi kong ipinagdarasal yan kasi sa totoo lang, hindi ko ma-imagine ang mundo ng showbiz kung mawawala ang isang Kris Aquino. Sobra.

“I love you, mare! Lagi kang mag-iingat.”

Singit naman ni Mama Loi, “Love you, Ms. Kris. Get well soon!”

Samantala, nalalapit na rin ang birthday ni Kris na saktong-sakto sa araw ng mga puso.

Related Chika:
Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending