Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz Bandera

Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz

Therese Arceo |July 30,2021
share this

Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz

Therese Arceo July 30, 2021 - 11:53 AM

MULING nagkita si Ogie Diaz at Long Mejia matapos gumawa ng ingay ang nakaraang vlog ni Ogie kung saan nag-walk out si Long.

Marami raw ang nang-bash sa talent manager dahil sa naging takbo ng vlog kasama ang komediyante.

Inamin rin ni Ogie na nainis siya kay Long dahil pakiramdam nito ay inisahan siya nito at ginantihan matapos ang comments niya sa komedyanteng gustong magpa-manage sa kanya.

Sagot naman nito, “Hindi naman. Siyempre kaya ko lang naman ‘yon ginawa dahil magkaibigan tayo.

“Kilala kita. Sa ibang tao ba gagawin ko ‘yun kung di ko close na close?”

Hirit naman ni Ogie, “Sana pala hindi na tayo close.”

Inamin naman ni Long na na-offend siya lalo na noong gustong ipatanggal ang kanyang kuntil.

“Syempre tao tayo, konti. Tulad nitong kuntil ko, alam mo naman na kakambal ko na ‘yan.

“Biruin mo, papatanggal mo to. Tinanggal mo na ‘yung pangalan sa YouTube ko, ‘yung ‘Bluetooth-an na’ dahil dyan nanggaling yan,” saad ni Long.

Marami rin ang tumawag ng bastos kay Ogie dahil hinusgahan raw nito si Long at parang iniiba ang image na pino-project nito.

Sinabi naman ni Long na sana maintindihan ng mga netizens na wala lang ang nangyari sa kanila ni Ogie.

“Mabait na tao so Ogie. Sa tagal na panahon na kakilala ko siya, napakabait nito, hindi siya marunong manira ng kapwa.

“Oo, may kinukwento siya pero ‘yung mga kinukwento niya, legit. 100% totoo.

“Yung mga sinasabi po niya, tanggap ko naman ‘yun pero wag niyo na po siya (i-bash.)

“Wag n’yo po iba-bash ang aking kaibigang, Ogie Diaz,” mahabang litanya nito.

Naging okay na rin naman ang dalawa at nagpatuloy sa chikahan kung saan kinuwento ni Long kung paano siya nagsimula sa industriya.

Taong 1999 nga noong nagsimula ang kanyang karera ngunit bago pa ito, nagsho-show na siya sa mga piyestahan.

Dahil sa kagustuhang gumanap sa isang eksena, pinilit niyang mag-show kahit na biskwit at softdrinks lang ang talent fee nito.

Si Ipe Pelino nga ang nagbukas ng oportunidad kay Long nang madiskubre siya nito.

Sumali siya sa contest na “Joke Forum” sa PTV-4 kung saan si Ipe Pelino ang direktor. Nagustuhan naman siya nito at ginawang regular sa show.

Matapos nito, nagtuloy-tuloy na ang projects ng komediyante. Naging sidekick siya ni Herbert Bautista sa sitcom nito na “Bistek”.

Inamin rin ni Long na may punto rin kung saan kinakapos siya. Giit pa nito, hindi naman daw siya tulad ng ibang artista na nabibigyan ng malaking break at kumikita ng milyon.

Nang tanungin siya kung sinong artista ang sumagip sa kanya, agad niyang sinabi ang pangalan ni Luis Manzano at John Estrada.

Binanggit rin ni Long na hindi siya pinabayaan ng ABS-CBN at TV5.

Lagi raw tumatawag ang Kapamilya network sa kanya at maganda lagi ang offer sa kanya.

May payo rin ang komedyante sa mga taong nangangarap na maging artista.

“Unang-una sa lahat, dapat may talent ka. Sunod dapat ‘yung disiplina sa sarili.”

Nang matapos ang chikahan, nagpaalam na ang komediyante. Nagulat naman si Ogie nang hingin ang bill dahil binayaran na raw ito ni Long. Mukhang bumawi ang komedyante matapos ang huling pagkikita nila kung saang si Ogie ang nagbayad na halos umabot ng sampung libo.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending