Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami Bandera

Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami

Therese Arceo |March 18,2022
share this

Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami

Therese Arceo March 18, 2022 - 03:05 PM

Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami

HUMINGI ng tawad ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa Kapuso actress na si Carla Abellana.

Ito ay matapos ang kanilang report sa kanilang “Showbiz Update” vlog kung saan nabanggit nila na ibinebenta ni Carla sa halagang P2 million ang kanyang condo unit sa The Grove.

Agad namang nilinaw ng Kapuso actress sa kanyang Instagram story na mali ang pahayag nina Ogie at nilinaw na ang dalawang milyong sinasabi ay ang kabuuang bawas o “slashed” amount mula sa orihinal nitong presyo.

Umani rin ng pambabash ang talent manager at ang mga kasama niya sa vlog dahil hindi raw nito pagpa-fact check ng mga sinasabing balita.

“Bina-bash tayo ngayon dahil mali daw… Pina-fact check tayo doon sa condo ni Carla Abellana. Mali daw ‘yung ating impormasyon na P2 million niya lang ibinebenta,” saad ni Ogie.

Agad naman siyang humingi ng tawad kay Carla dahil sa maling nasabi niya.

“Pasensya na, nagkamali lang kami. Alam naman namin ng ‘slashed’… Pasensya na, tao lang,” dagdag pa ni Ogie.

Tinanong niya si Mama Loi kung magkano nga ba binibentq ni Carla ang condo ngunit ang tanging nasabi lang nito ay ang market value na P14 million. Hindi pa rin kasi sinasabi mismo ng Kapuso actress kung magkano nga ba ang condo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

“Normally, hindi naman talaga ina-announce yan pero sinabi na nga niyang slashed ng 2M. Ibig sabihin, nabawasan na ng 2M,” lahad ni Ogie.

Chika pa niya, marami daw sa mga netizens ang na-curious matapos nilang magkamali sa pagkakasabi ng presyo.

“Nobody is perfect, darling. Lahat naman nagkakamali. Kapag nalaman mong nagkamali ka, humingi ka ng sorry,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Sorry, Carla. Nagkamali kami.”

Hiling naman ni Mama Loi na sana ay mabili na agad ang ibinebentang condo.

Matapos mag-sorry ay tila may hugot naman si Ogie sa mga bashers na tanging pagkakamali lamang nila ang nakikita.

“Marami naman kaming mga correct dito, a. Bakit sinaluduhan ba kami noong iba? Hindi naman, di ba? Yung mali namin, naaano n’yo. Pag tama, deadma?” pahabol pa ng talent manager.

 

Related Chika:
Carla Abellana dinenay na P2-M na lang ang ibinebentang condo unit: Hindi po ako click-baiter

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending