Carla Abellana dinenay na P2-M na lang ang ibinebentang condo unit: Hindi po ako click-baiter
HINDI totoong P2 million na lang ang halaga ng condo unit ni Carla Abellana sa The Grove by Rockwell sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Pasig City na ibinebenta na niya ngayon.
Matatandaang ipinost ni Carla sa kanyang Instagram account ang video ng kanyang unit noong Peb. 28 para ipakita ang kabuuan nito sa publiko.
Ang caption ng aktres ay, “My condo unit at The Grove by Rockwell is still available for sale/lease! It is now below market value!
“And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive. It’s fully (and excessively) furnished! If they’re not your type, then go ahead and sell them to make money! It’s totally up to you.
“Of course parking (which alone costs more than 1M!) is included in the asking price already. Imean, come on, what a bargain!” sabi ng aktres.
Marami ang nagulat sa post na ito ni Carla dahil ibig sabihin ay palugi na niya itong ibinebenta dahil sa sinabi niyang “It’s now below market value.” Kaya marami rin ang nagka-interest dito.
Nasabay din kasi ang pagbebenta niya ng unit sa chikang may problema umano sa pinansiyal ang aktres. May unconfirmed report kasi na ang naipon daw nilang pera ng asawang si Tom Rodriguez ay nawala na.
Ang balita, in-invest umano ito ng aktor sa party list na sinamahan niya pero hindi naman lumusot sa COMELEC para sa May 9 elections.
Maituturing na mag-asawa pa rin sina Carla at Tom kahit magkahiwalay na dahil may bisa pa rin ang kasal nila. Sa madaling salita magkahiwalay lang ng tirahan.
Going back sa condo unit ni Carla, lumutang din ang tsikang kaya ibinebenta ito ng aktres ay dahil ayaw niyang maalala na minsan ay tumira sila rito ni Tom at may tsismis din na dito dinala ng aktor ang umano’y naka-one night stand niya na naikuwento nga ng biyenang si Rey “PJ” Abellana na binawi niya rin agad dahil nagalit daw sa kanya ang anak na si Carla.
And to set the record straight regarding the price of the condo unit, Carla posted some computations in her IG stories today kung magkano ang per square meter. Binura naman kung ilang square meters ang kabuuan ng unit nap ag-aari mismo ng aktres.
Aniya, “Hello, everyone! I needed to clarify the price of my Condo Unit at The Grove URGENTLY.” At binilugan nito ang, “IT IS NOT WORTH 2M.
“Some press articles, including Sir Ogie Diaz’s video, are FALSE. They state that it is only worth 2M, which is NOT TRUE.
View this post on Instagram
“I also bought the Condo Unit back in 2015, so the CCT is under my name only. Nobody has ever lived there because I bought it as an investment for myself and myself alone,” diin ni Carla.
Binilugan din niya ang mga katagang, “P.S. Just so you have an idea, a parking slot ALONE costs 2M. Thank you.”
May bilog ulit ang, “PS Please see next IG Story for the ACTUAL market value computation so you can do the math.
“Okay na po tayo? Please only believe me, my 3 official brokers and The Grove, hehe. THANK YOU, everyone!”
Dagdag pa niya, “I NEVER said that my The Grove Condo Unit is selling for 2M ONLY. Bakit ko po sasabihin yun kung hindi totoo? Hindi po ako click-baiter, si Tinder Swindler o si Anna Delvey (Google n’yo na lang po ‘yung mga yan).
“Paki Google narin po ang term na ‘Price SLASH’, ‘SLASHED PRICE’ o ‘price SLASG OFF. 2M slashed off’ does not mean ‘2M NALANG.’
“Gets na po ba? O sige po, mas klaruhin ko pa po ha? Ibig sabihin po ng ‘2M slashed off’ ay ‘2M po ang binawas.’ HINDI PO ‘2M nalang ang halaga.
“Sana okay na po at na-gets niyo na po. Tinagalog ko narin po para mas maintindihan po. Maraming salamat po!” paliwanag pa ni Carla.
https://bandera.inquirer.net/284752/condo-unit-ni-jasmine-ninakawan-ng-sindikato
https://bandera.inquirer.net/296235/james-ibinebenta-uli-ang-pag-aaring-mansyon-sa-halagang-p82-m
https://bandera.inquirer.net/307617/xian-may-nakakalokang-hugot-sa-oil-price-hike-ayoko-na-pag-nagmamahal-ako-ang-daming-taong-nagagalit
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.