Rabiya natatawa na lang sa mga 'memes' na kumakalat; tinawag na 'echusera' si MJ | Bandera

Rabiya natatawa na lang sa mga ‘memes’ na kumakalat; tinawag na ‘echusera’ si MJ

Therese Arceo |October 02,2021
facebook
share this

Rabiya natatawa na lang sa mga ‘memes’ na kumakalat; tinawag na ‘echusera’ si MJ

Therese Arceo - October 02, 2021 - 01:53 PM

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ang Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo matapos itong madapa sa kaniyang final walk noong Miss Universe PH 2021 coronation night.

Graceful pa rin naman ang dalaga at with poise na tumayo matapos ang pagkakadapa.

“Once you [fall], you have to stand up,” saad nito sa coronation night.

Sinundan pa niya ito ng Instagram story niya na at sinabing “Don’t worry, guys. I’m okay.”

Agad namang nag-trending ang kaniyang pagkakadapa at kung anu-anong memes na ang kumalat na may kaugnayan sa trending na Netflix series na “Squid Game”.

Natatawa at naaaliw si Ibyang sa mga memes na kumakalat. Sa katunayan ay Ibinahagi pa ng beauty queen ang ilan sa mga ito sa kaniyang Instagram account.

At mukhang napanood na rin ni Rabiya ang trending series dahil sa isang IG story niya ay hinahanap niya ang kaniyang “Ali”.

Suportado naman siya ng kaibigan at kapwa beauty queen na si MJ Lastimosa.

Sa isang IG story ni MJ, ipinost nito ang litrato ni Rabiya matapos ang pagkakadapa at may nakalagay na “Bangon everyday! Labyu @rabiyamateo”

Ni-repost naman ito ni Ibyang at sinabing “Echusera. Narinig kita tumawa ng nadap ako ehh!”

May IG story rin si MJ ng meme ni Rabiya na may caption na, “Ibyang 1st game palang eliminated ka na!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nirepost ito ni Rabiya at inaming wala raw talaga siyang balance at coordination.

Masasabing isa si MJ Lastimosa sa pinakamalapit na kaibigan ni Rabiya. Isa rin si MJ sa todo suporta sa dalaga noong nirepresenta nito ang Pilipinas sa nagdaang Miss Universe 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending