Lolit Solis may tampo nga ba kay Willie Revillame, may sey sa chikang papapalitan ang TVJ: 'Mahina ang magiging dating' | Bandera

Lolit Solis may tampo nga ba kay Willie Revillame, may sey sa chikang papapalitan ang TVJ: ‘Mahina ang magiging dating’

Therese Arceo |March 07,2023
facebook
share this

Lolit Solis may tampo nga ba kay Willie Revillame, may sey sa chikang papapalitan ang TVJ: ‘Mahina ang magiging dating’

Therese Arceo - March 07, 2023 - 09:44 PM

Lolit Solis may tampo nga ba kay Willie Revillame, may sey sa chikang papapalitan ang TVJ: 'Mahina ang magiging dating'

NAGLABAS ng saloobin ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ukol sa chikang may chance na lisanin nina Tito, Vic, at Joey o TVJ ang programang “Eat Bulaga” at si Willie Revillame raw ang napupusuang pumalit.

Sa kanyang Instagram page ay binanggit niyang walang makakapantay sa galing ng TVJ na talagang isa na sa mga institusyon sa industriya.

“Alam mo Salve nakakatawa iyon mga releases na nagsasabi na tiyak si Willie Revillame ang magiging kapalit sa Eat Bulaga timeslot. Walang puwede tumalo sa Eat Bulaga o kila Tito at Vic Sotto plus Joey de Leon. Wala puwede pumalit sa tatlo. Hindi kakayanin ng kahit sino ang humor at charms ng Tito, Vic and Joey,” saad ni Manay Lolit.

Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’ may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: ‘Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin’

Pagpapatuloy pa niya, “Kaya huwag ng pilitin ng mga taong malapit kay Willie na gamitin sa press release na ito ang magiging magandang kapalit kung sakali man tutoo na lilipat ang Eat Bulaga.”

Dagdag pa ni Manay Lolit, hindi na raw ganoon kasikat ngayon si Willie hindi katulad ng dati.

Matatandaang kamakailan ay laman ng mga balita ang “Wowowin” host matapos ang kanyang tila panunumbat sa mga taong natulungan niya noon at ang naging sagutan nila ng kolumnistang si Cristy Fermin.

Sey pa ni Manay Lolit, “Kahit ano sabihin, iba narin ang lagay ng popularity ni Willie. Hindi na ito kasing sikat ng dati, hindi na ganuon ka init sa viewers. Kaya hindi magiging maganda replacement ng Tito. Vic and Joey. Mahina ang magiging dating.

“Mas mabuti pa nga siguro na itry ng GMA7 ang mga bago nilang talents para sa isang noontime show. Malay mo mas maganda pa ang maging dating nito. Why not ? Bongga pa di ba!”

Matatandaang usap-usapan ngayon ang diumano’y “rebranding” ng longest noontime program na “Eat Bulaga” dahil may bulung-bulungan na maraming mga mawawalang host at maging mga production people dahil sa bagong management.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Wala pa namang pahayag ang pamunuan ng “Eat Bulaga” patungkol sa isyu.

Sa hiwalay na post naman ay nilinaw ni Manay Lolit na wala siyang galit kay Willie ngunit aminado siyang may tampo ito sa TV host.

“Marami nagtatanong sa akin Salve kung galit ba ako kay Willie Revillame. Hindi ako galit, nagtampo lang ako dahil ng inalis niya sa trabaho si Jopay Manago naging dahilan para mapunta ito sa Home for the Aged.

Alam ko na siguro mas dapat ako magtampo sa mga pamangkin na tinulungan ni Jopay dahil sana dapat sila ngayon ang nag aalaga kay Jopay pero hinayaan nila na mapunta sa Home for the Aged,” lahad ni Manay Lolit.

Si Jopay ay ang dating talent coordinator sa programang “Wowowin” na ipinasok sa Home for the Aged noong August 2021.

“Basta iyon lang ang tampo ko kay Willie, pero wala akong galit, at hindi nga ako dapat magalit. Kaya hindi ako dapat seryosohin sa mga hanash ko or mga sinusulat na pagpuna kay Willie Revillame,” sabi pa ni Manay Lolit.

Aniya, personal comment lang maman ito at hindi dapat siya papansinin ni Willie dahil sino naman daw siya kumpara kay Willie na “sikat, mayaman at powerful”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya maliwanag ha, wala akong galit at hindi dapat pansinin ng isang Willie Revillame, bongga,” hirit pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending