Lolit Solis may patutsada sa taong 'nanunumbat': Pathetic talaga! Hindi bongga | Bandera

Lolit Solis may patutsada sa taong ‘nanunumbat’: Pathetic talaga! Hindi bongga

Therese Arceo |February 10,2023
facebook
share this

Lolit Solis may patutsada sa taong ‘nanunumbat’: Pathetic talaga! Hindi bongga

Therese Arceo - February 10, 2023 - 11:58 PM

Lolit Solis may patutsada sa taong 'nanunumbat': Pathetic talaga! Hindi bongga

MUKHANG may pinatatamaan ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis na taong mahilig manumbat.

Sa kanyang Instagram post kasi ay nagbahagi ito ng photo quote card na pumapatungkol sa “pathetic person”.

“Pathetic talaga iyon mga tao na nagbibigay pagkatapos manunumbat, Salve. Nakakaawa na wala siyang magawa kundi sumbatan ka sa ibinigay niya sa iyo. Bird brain talaga ang mga taong gumagawa nito. Kaya umiiwas ako sa ganitong klase ng tao,” pagbabahagi ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Nakakatawa na hindi pala niya nalilimutan ang mga bagay na ibinigay niya, meaning hindi taos sa loob niya ang pagbibigay. Kasi usually pag binigay mo na, dapat kalimutan mo na dahil tiyak na binigay mo iyon bilang bayad sa isang favor, or binigay mo dahil gusto mo iyon tao na binigyan mo.”

Chika pa ni Manay Lolit, dapat raw ay taos sa puso ang pagbibigay at hindi ito isinusumbat.

Sey pa niya, “So sad na ganito ang ugali ng isang tao na nagbigay, patunay na hindi galing sa puso ang pagbibigay niya. Publicity lang ang habol niya pag nagbibigay siya. Pathetic talaga. Hindi bongga Salve at Gorgy.”

Wala namang pinangalanan si Manay Lolit kung sino ang tinutukoy niya ngunit kamakailan lang nang mag-trending ang TV host-comedian na si Willie Revillame matapos ang tila panunumbat nito sa mga taong nabigyan niya ng tulong.

Matatandaang sa kanyang February 7 episode ng “Wowowin” ay isa isa niyang binanggit ang mga taong tumitira umano sa kanya gayong natulungan niya ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Masyado n’yo na akong inaapi. Masyado n’yo na akong sinasaktan. Hindi ako susuko sa inyo! I-vlog n’yo ako bukas! Pagtulung-tulungan n’yo ako, hindi ako natatakot! Yun ang gusto n’yo? Okay lang, sige! Tirahin n’yo ako araw-araw, minu-minuto, I don’t care! Kayo ang may utang na loob sa akin! Hindi ako! Tandaan n’yo ‘yan sa buhay n’yo!” pahayag ni Willie.

Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie sumabog na: ‘Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban… masyado n’yo na akong inaapi at sinasaktan!’

Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending