Willie sumabog na: 'Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban... masyado n'yo na akong inaapi at sinasaktan!' | Bandera

Willie sumabog na: ‘Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban… masyado n’yo na akong inaapi at sinasaktan!’

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Willie sumabog na: ‘Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban… masyado n’yo na akong inaapi at sinasaktan!’

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 06:58 AM

Willie sumabog na: 'Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban... masyado n'yo na akong inaapi at sinasaktan!'

Willie Revillame

SUMABOG na ang galit ng TV host na si Willie Revillame dahil sa patuloy na pamba-bash at paninira sa kanya ng mga haters sa social media.

Naglabas ng matinding sama ng loob si Willie sa pamamagitan ng kanyang programang “Wowowin” sa ALLTV, kagabi, February 7.

Nakarating daw sa kanya na hindi lamang mga netizens ang bumabatikos at nangnenega sa kanya kundi pati mga kasamahan niya sa entertainment industry na ang ilan pa sa mga ito ay natulungan niya noon.

“Hindi na ako matatakot sa inyong lahat! Laban na ito kung laban. Masyado niyo na akong inaapi. Masyado niyo na akong sinasaktan. Hindi ako susuko sa inyo,” ang simulang pagresbak ng TV host.

“I-vlog n’yo ako bukas! Pagtulung-tulungan n’yo ako, hindi ako natatakot! Yun ang gusto n’yo? Okay lang, sige!

“Tirahin n’yo ako araw-araw, minu-minuto, I don’t care! Kayo ang may utang na loob sa akin! Hindi ako! Tandaan niyo yan sa buhay niyo!”

“Bukas! Kahit ngayon, i-vlog niyo ako. Araw-araw ko din sasabihin kung sino kayo! At sasabihin ko ang mga pangalan ninyo, in time! Kung sino kayo!

“Sige, laban tayo. Basta huwag ninyo akong ila-libel. Magkakasuhan tayo. Mag-ubusan tayo, sige!” ang emosyonal pang pahayag ni Willie.

Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?

Nag-ugat ang isyu nang maglabasan ang mga balita na pansamantala munang isasara ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ang ilan sa mga programa ng ALLTV na pag-aari ng dating senador na si Manny Villar.

Pahayag pa ni Willie, “Isipin ninyo ito. Para malaman niyo lang, hindi pa naman ako kinakausap ng ALLTV na magsasara ang show.

“Wala pang sinasabi sa akin na magsasara. In fact, nagmi-meeting ho kami sa studio halos twice a week para matapos ang studio ng Wowowin sa Starmall.

“Ini-inventory na po ang mga ilaw, kung ano ang gusto ko. In fairness sa kanila, ‘Ano ba ang gustong LED ni Kuya Willie?’” aniya pa.

Nilinaw din niya ang estado ng morning talk show nina Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto at Mariel Rodriguez sa ALLTV, ang “M.O.M.S” o “Mhies On A Mission.”

Aniya, “Yung sa M.O.M.S ho, hindi itinitigil yan. Naka-pause lang yan, ang tawag diyan. Aayusin lang po ang signal at siyempre po ang reach ng ALLTV.”

Direk Lester Ong ibinunyag ang sikreto ng isang magaling na ‘action star’

Pagpapatuloy pa ni Willie, “Nagagalit kayo sa amin, wala naman kaming kasalanan sa inyo. Nagagalit kayo sa akin, ako ang tinitira niyo, ni hindi naman nagsasalita ang ALLTV.

“Hindi naman ako ipinapatawag sa meeting na, ‘O, Willie, wala ka nang show.’ Wala hong ganoon. E, pinangunahan niyo ho kami.”

Dagdag pa niya, “Alam niyo kasi yung 24 million subscribers ng Wowowin, hindi naman mahilig sa fake news yan. Hindi naman nagtete-text yan.

“Sino ang mga ganyan? E, di yung galit, di ba? May ginawa ba akong kasalanan sa inyo kaya nagagalit kayo?

“Mayabang ako? Bakit, nakasama niyo na ba ako? Nakasama ko na ba kayo ng 24 oras? Mayabang ako magsalita? Wala ho akong winalanghiyang tao. Lagi akong gumagawa ng paraan na makatulong sa mga kababayan natin,” depensa pa ni Willie.

Mariin pa niyang sabi, “Hindi ako umiinom. Never akong nag-drugs in my life. Hindi ako naninigarilyo at alam ng lahat yan. Pero ngayon ho, kung titirahin niyo ako, titirahin ko rin kayo! Labanan na tayo ngayon! Sobra na kayo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darren Espanto naiyak nang ibahagi ang pangako sa magulang; Seth Fedelin umaming takot pa rin sa parents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending