Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan? Bandera

Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?

Ervin Santiago |December 19,2021
share this

Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?

Ervin Santiago December 19, 2021 - 10:47 AM

Winwyn Marquez

NAPAIYAK sa sobrang kaligayahan sina Alma Moreno at Joey Marquez nang malamang buntis na ang kanilang anak na si Winwyn Marquez.

Diretsahan nang ibinandera ng Kapuso actress na nagdadalang-tao siya sa grand face-to-face mediacon ng kanyang pelikulang “Nelia” na isa sa mga official entry sa 2021 Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa Dec. 25.

“I am on my way to my second trimester,” ang pagkumpirma ng aktres. Aniya, talagang itinago muna niya sa publiko ang tungkol sa kanyang pregnancy.

“Hanggang hindi pa sure lahat, I wanted to keep it for me and for my family to enjoy muna. Hindi ko rin naman in’expect na lalabas (itong movie) sa MMFF.

“I took it siguro as a sign na lang din na i-share kasi ang hirap din naman talaga itago. Kailangan ko rin talaga tulungan ’yung film na i-promote kahit online. Gusto ko rin talaga makapunta sa presscon and be with everyone kahit medyo nag-a-adjust pa ’yung body ko with everything,” pahayag ni Winwyn sa nasabing presscon.

Bukod sa pag-amin niya sa mediacon ng “Nelia”, ibinahagi rin ng 2017 Reina Hispanicoamericana ang good news sa kanyang YouTube vlog.


Ngunit mukhang hindi pa ready ang aktres na ipakilala sa publiko ang tatay ng kanyang anak dahil hindi pa rin niya binanggit ang name ng guy. Bukod dito, kamay at katawan lang ng lalaki ang makikita sa video.

Ani Winwyn, “I know it’s been a while. Hindi ko alam kung napansin niyo but I took a break for sometime. Nagpahinga muna ako saglit due to personal reasons, and kasama na rin dun of course yung health reasons.

“I really want to share din sa inyo kung ano yung nangyari sa akin so I made this video para i-explain what happened to me, and I just want to show it in a form of a clip para ma-explain na rin sa inyo,” pahayag pa ng future mommy.

Sa isang bahagi ng vlog ay ibinahagi rin ni Winwyn ang pagpapa-check-up niya sa doktor,  ang resulta ng kanyang pregnancy test, pati na ang naging reaksiyon ng mga magulang na sina Alma at Joey.

Sey ni Alma na talagang nagulat sa pagdadalang-tao ng anak, “Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan? At least natupad mo na…alam na ng daddy mo?” 
Tugon ni Winwyn, “Yes, I am so happy, me and my partner were both so happy. My family, everyone.

“Super saya namin and I decided na, me actually and my partner, to share this wonderful news sa inyo.

Gusto kong sabihin sa inyo yung nangyari sa akin and yung blessing na ibinigay sa amin.

“We’re so happy, my partner and I are so happy. We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start,” aniya pa.

“Thank you sa lahat ng sumuport sa akin ever since Day 1. Sa lahat ng tumulong sa akin nung nalaman ko, nalaman namin ito, my family, of course, who’s been very very supportive of me sa journey na ‘to.

“Very emotional, actually. I’m so happy I finally shared sa inyo. I really waited… we waited for the right time to tell everyone about it, so please pray for us.

“Please pray for our small family. Please pray na everything will be fine. It’s such a good Christmas gift for me and my partner, for my family, for my parents.

“I am so excited. We are so excited to meet our little bundle of joy soon. That’s the surprise and news I wanted to share sa inyo,” paglalahad pa ni Winwyn.

Anyway, mapapanood na ang  filmfest entry ng aktres na “Nelia” sa Dec. 25 kung saan kasama rin sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Shido Roxas, Mon Confiado, Lloyd Samartino, Dexter Doria, Dan Alvaro at introducing sina Juan Carlos Galano at Aldwin Alegre.

Ito’y sa direksyon ni Lester Dimaranan mula sa A And Q Production Films.

Winwyn gustong sampalin ng waitress: OMG! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!?

Alma suportado ang lovelife ni Joey; Winwyn may inamin tungkol sa ina

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending