Sikreto ni Willie sa tagumpay: Hindi ako nagtatanim ng galit, wala akong hatred, wala akong bitterness | Bandera

Sikreto ni Willie sa tagumpay: Hindi ako nagtatanim ng galit, wala akong hatred, wala akong bitterness

Ervin Santiago - July 18, 2022 - 07:16 AM

Willie Revillame at Manny Villar

MALAPIT na malapit na ang pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon matapos ang ilang buwang pagkawala sa free TV ang kanyang programang “Wowowin: Tutok to Win.”

Last Friday night, July 15, pumirma na ng kontrata ang TV host sa TV network ng pamilya ni Manny Villar, ang AMBS 2, para sa co-production ng kanyang game show at public service program.

Para sa lahat ng hindi pa aware, ang AMBS 2 ng mga Villar ang nakakuha ng frequencies na pag-aari noon ng ABS-CBN. At dito nga mapapanood ang pagbabalik sa TV ng “Wowowin: Tutok To Win” sa darating na September o October.

In fairness, ngayon pa lang ay abangers na ang milyun-milyong tagasuporta ni Willie sa muling pag-ere ng kanyang show kung saan marami na namang mananalo ng cash at iba pang papremyo.

Natanong si Willie sa presscon ng AMBS 2 kung ano ang sikreto niya sa pagkakaroon ng staying power sa entertainment industry, “Ako siguro yung ano, I would say, yung pagiging totoo mo sa kanila. Yan, to be honest, maging sinsero ka, e.

“Kasi alam naman ng tao kung nagloloko ka lang, kung nagbibiro ka lang. Alam naman nila kung bukal sa puso yung ginagawa mo, e. Ako, I think, ang pinakaimportante sa lahat, maging totoo ka,” sey ng TV host.

May hugot din siya pagdating sa  pagpapakatotoo at pagsasabi nang tapat, “Well, kung nagagalit ka, talagang galit ka, ganu’n.

“Mahirap naman yung hindi ka magpapakatotoo sa industriyang ito, e. Kasi alam mo naman, mabait ka sa harap ng kamera, pagtalikod, hindi ka pala mabait. Ikaw ba, makakatulog ka ba nang ganu’n?” lahad pa niya.

Aminado naman si Willie na may pagkakataong naiinis siya sa kanyang staff at ipinakikita niya ito kahit sa live telecast ng kanyang show.

“Ang pinakaimportante, yung concern mo sa iyong mga kababayan. Ang pinakaimportante, kuntento ka na kung anong meron ka na.

“Huwag ka nang maghangad nang sobra-sobra pa. Ang pinakaimportante, share your blessings,” aniya pa.

Isa raw sa mga rason kung bakit napagtagumpayan niya ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya,  “Hindi ako nagtatanim ng galit, e. Wala akong hatred. Wala akong bitterness. Hindi ko, kumbaga, ganu’n ang buhay, e, lahat naman nagkakamali.

“Hindi ako nagtatanim… hanggang ngayon wala akong… kung may katampuhan ka, ganun talaga ang buhay, e. Pag nagkita na, pag nagkayakapan na kayo, tapos na yun, e.

“May kanya-kanya tayong ego, may kanya-kanya tayong ugali. Pero at the end of the day, di ba, masarap matulog nung wala kang dinadala sa puso mo.

“I think yun ang pinakaimportante, e. So, kung nagkakasala ka, nagpakumbaba ka, humingi ka ng tawad, ganu’n ang buhay, e, di ba?” sey pa ni Willie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305438/willie-revillame-hindi-ko-kayang-pumirma-sa-gma-tapos-nagta-trabaho-ako-sa-ibang-channel
https://bandera.inquirer.net/295617/alden-wala-pa-ring-lovelife-magti-30-na-ako-its-about-time-na-ako-naman
https://bandera.inquirer.net/318690/4-major-character-sa-ang-probinsyano-tsinugi-na-malapit-na-nga-kaya-ang-ending-ni-cardo-dalisay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending