Enrique Gil namigay ng pera sa isang lugar sa Bataan, pero na-bash pa rin dahil tig-P100 lang daw ang ipinamudmod | Bandera

Enrique Gil namigay ng pera sa isang lugar sa Bataan, pero na-bash pa rin dahil tig-P100 lang daw ang ipinamudmod

Ervin Santiago |March 23,2023
facebook
share this

Enrique Gil namigay ng pera sa isang lugar sa Bataan, pero na-bash pa rin dahil tig-P100 lang daw ang ipinamudmod

Ervin Santiago - March 23, 2023 - 07:06 AM

Enrique Gil namigay ng pera sa isang lugar sa Bataan, pero na-bash pa rin dahil tig-P100 lang daw ang ipinamudmod

Enrique Gil

KALAT na ang chika na namigay daw ng pera ang Kapamilya actor na si Enrique Gil sa mga residente na naninirahan sa isang lugar sa Bataan.

Isang video ang viral ngayon sa social media kung saan makikita ang pagbisita ng boyfriend ni Liza Soberano sa lugar ng mga katutubo nating kababayan sa isang barangay sa Hermosa, Bataan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


Base sa naturang video, mainit na sinalubong ng mga tagaroon ang binatang aktor at kasunod nga nito ang pamimigay niya ng pera sa mga nakakasalubong niya.

Baka Bet Mo: Kim Domingo namigay ng free tickets para sa Cha Eun Woo fan meet; may promise sa cancer patient

Sa napanood naming vlog, inabutan ng aktor ng tig-100 ang ilang naninirahan sa lugar na tuwang-tuwa naman dahil bukod sa pera ay nakita nila nang personal ang binata.

Ayon sa ilang comments na nabasa namin, bahagi raw ito ng selebrasyon ng birthday ni Enrique na turning 31 na sa darating na March 30.

Maraming netizens ang pumuri kay Enrique dahil personal talaga niyang pinuntahan ang nasabing lugar para kahit paano’y mapasaya niya ang mga tagaroon.

Pero may iba ring nam-bash sa aktor at tinawag pa siyang kuripot dahil nga tig-100 lang ang ibinigay niya sa mga residente roon. Sana raw ay nilakihan at ginawa na niyang P500 para mas maraming mabili ang mga nabigyan niya.

Ngunit ipinagtanggol naman ng mga fans ang binata at sinabing kapuri-puri pa rin ang ginawa ni Enrique dahil nag-effort talaga siya para lang makapagpasaya ng kanyang kapwa.

At in fairness, hindi niya ginawa yun para sa vlog o anumang social media platforms.

Bettinna Carlos 1 taon nang naninirahan sa probinsya kasama ang asawa’t anak: Thank you, Love for this decision!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome namigay ng house and lot, inaway at sinabihang ‘madaya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending