Donnalyn Bartolome namigay ng house and lot, inaway at sinabihang 'madaya' | Bandera

Donnalyn Bartolome namigay ng house and lot, inaway at sinabihang ‘madaya’

Therese Arceo |March 16,2022
facebook
share this

Donnalyn Bartolome namigay ng house and lot, inaway at sinabihang ‘madaya’

Therese Arceo - March 16, 2022 - 09:30 PM

Donnalyn Bartolome namigay ng house and lot, inaway at sinabihang 'madaya' ang giveaway

TRENDING ngayong ang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang latest vlog kung saan namigay siya ng house and lot.

Hindi kasi nagustuhan ng isa sa mga limang na-shortlist na pamilya na mula sa fans niya ang naging resulta ng bunutan para sa bahay.

Sa umpisa ng vlog ay sinabi na agad ni Donnalyn na walang uuwing luhaan dahil kung sinuman ang hindi mabubunot na pamilya ay mag-uuwi pa rin ng P50,000.

Ngunit umapila naman ang isang lalaki dahil tila “scripted” at “madaya” daw ang resulta dahil may ready made na susing nakahanda na nakapangalan agad sa nabubot.

Paglilinaw naman ni Donnalyn, “Lahat po kayo may naka-ready na susi kung sino man po ang manalo.”

Pero mukhang mainit talaga ang isang pamilya at hindi matanggap ang kanilang pagkatalo kaya naman nakipagsagutan ito sa nanalong pamilya.

Tila napikon rin ito kaya sinugod ang nanalo na agad namang inawat nina Donnalyn pati na rin ng mga security na kasama nila sa event.

Minabuti na lang rin nilang pauwiin ang mag-asawa dahil nga hindi na rin nila ito mapigilan sa pag-aamok para na rin sa kaligtasan ng iba pang pamilya na naroroon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

 

Sa huli ay nakahanap naman ng pagkakataon ang lalaki para sumugod sa padre de pamilya ng nanalo kaya naman nabahala ang lahat ng mga taong nasa event.

“Tama na! Tama na!” pag-awat ni Donnalyn. “Di ba prank lang to? It’s a prank!”

Agad na nilapitan ng dalaga ang totoong winner na hindi alam kung saan maniniwala. Kung sa prank ba ng away ng dalawang pamilya o ang kanyang pagkakapanalo sa bahay.

Sa huli naman ay labis ang galak ng nanalong si Gie-Ann Casiong dahil matagal na raw niyang ninais na makabili ng bahay para sa kanilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“After ko pong mag-college, sabay pong nagkasakit ‘yung parents ko. Nagpapasalamat ako kasi hindi man nakita ng parents namin na ito na, may bahay na kami pero gumawa pa rin ng way si Lord para magkabahay kami. Salamat po kasi koyo po ‘yung ginamit ni Lord para magkabahay kami,” saad ni Gie-Ann.

Happy naman ang dalaga para sa nanalo dahil nakaka-relate siya sa kwento ni Gie-ann dahil gano’n rin ang kanyang pinagdaanan noon bago pa niya makamtan ang mga tinatamasa niya ngayon.

Related Chika:
Tekla, Marco, Donnalyn nagkapikunan dahil sa ‘P1M pool challenge’, may nandaya nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending