Kim Domingo namigay ng free tickets para sa Cha Eun Woo fan meet; may promise sa cancer patient | Bandera

Kim Domingo namigay ng free tickets para sa Cha Eun Woo fan meet; may promise sa cancer patient

Ervin Santiago - July 10, 2022 - 06:45 AM

Cha Eun Woo at Kim Domingo

NAMIGAY ng tickets ang Kapuso star na si Kim Domingo sa mga followers niya sa social media para sa fan meet ng sikat na Korean star na si Cha Eun Woo sa Pilipinas.

Halos lahat ng napiling winners ng sexy actress ay feeling naka-jackpot at hindi makapaniwala na mapapanood at makikita nila sa personal ang napakagwapong K-drama actor.

Ang iba ay naging emosyonal at napaiyak pa raw nang ihayag na ni Kim Domingo sa kanyang social media accounts ang lucky winners ng fan meet tickets para sa pagbisita ni Cha Eun Woo sa Manila sa darating na August 6.

Nitong nagdaang July 2 lamang binili ni Kim ang fan meet tickets sa isang mall after ng taping nila para sa upcoming Kapuso series na “Start-Up PH” starring Bea Alonzo and Alden Richards.

Kinabukasan, July 3, ipinost ni Kim sa Facebook at Instagram Stories ang mga napili niyang bigyan ng Cha Eun Woo fan meet tickets.

At isa nga rito ang isang female fan na nakikipaglaban sa cancer. Comment niya sa FB post ni Kim, “Thank you idol Kim Domingo. Sobrang saya ko po napili n’yo ako sa isa sa mananalo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)


“Nawala sa isip ko na may cancer ako. Sobrang saya ko po. Problema ko lang po hindi ko kayang pumunta mag-isa, mabilis akong mahilo,” sabi pa ng fan.

Ito naman ang reaksyon ng “Start-Up” star, “Aww! Ako na bahala sa kasama mo manood. Magpabili ako ng ticket niya. Kapag hindi mo kaya ‘wag mo pilitin ha. Pero see you! (pray at heart emoji).”

Shookt din ang mga fans ng Korean star na sina Anna Yhanagi, Lorraine Chen, Maria Cristina Estrella, Sherlyn Orsal, Jane Manansala at Yohan Chiong Ruiz na nabigyan ng tickets.

https://bandera.inquirer.net/318198/kim-domingo-binatikos-dahil-sa-pagbili-ng-ticket-para-sa-fan-meeting-ni-cha-eun-woo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/315684/bakit-nga-ba-na-reschedule-ang-concert-ni-vice-ganda-sa-dubai
https://bandera.inquirer.net/314057/vice-dedma-sa-lipatan-isyu-tumutok-sa-uaap-cheerdance-showdown-o-tahkayoooo-kavogue-ang-feu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending