Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero... | Bandera

Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero…

Reggee Bonoan |May 30,2023
facebook
share this

Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero…

Reggee Bonoan - May 30, 2023 - 08:02 PM

Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero...

Enrique Gil at Liza Soberano

KINUMPIRMA na ng dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na hiwalay na sila ni Enrique Gil.

Ito ang isa sa topic nila sa “Showbiz Update” vlog na in-upload ngayong hapon sa YouTube.

Actually, naisulat na namin dito sa BANDERA noong Mayo 23 na hiwalay na sina Enrique at Liza base rin sa mga pagkakataong hindi na binabanggit ng aktres ang pangalan ng aktor sa mga panayam niya bago siya umalis ng Pilipinas.

Matatandaang na-interview din si Liza sa Amerika nang dumalo siya sa isang event at binanggit niyang “single” siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


At sa “Showiz Now Na” ay nabanggit din ni Nanay Cristy Fermin na naniniwala siyang hiwalay na ang dalawa at hindi lang nagsasalita pa, hintayin na lang ang araw na ready na silang umamin sa publiko.

Anyway, bungad ni Mama Loi, “Heto na marami ang nagko-confirm na hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique Gil!  Totoo ba ‘yun ‘Nay (Ogie)?”

Sagot ni Ogie, “Naku, ‘yan na nga ang sinasabi ko. Actually nakarating din sa akin ‘yan na split o break na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

“Okay parang nag-ugat ito Loi ro’n sa mga pronouncement o mga nakaraang interviews ni Liza na never niyang binanggit si Enrique Gil.

Baka Bet Mo: Enrique Gil kay Liza Soberano: We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart

“Tapos ‘yung parang hindi pa siya pabor sa pagpapatatag ng loveteam, isa rin ‘yun. Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka nga wala na sila dahil una, hindi niya ipinagmamalaki ang boyfriend niya, kasi kung ano (sila pa) magpo-post ‘yan si Liza.

“Tapos nu’ng birthday ni Enrique wala ring greeting si Liza online pero nanatiling tahimik sila pareho sa isyung ito. Parang iyon na lang ang konklusyon ng karamihan lalo na ng mga sumusubaybay ng LizQuen kung wala na ba talaga sila?” ani Ogie.

Ang nakarating daw sa kanya na dahilan ng hiwalayan ng LizQuen ay si Liza ang nakipag-break dahil gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career sa Hollywood.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


“Ang nakarating (pa) sa atin ay si Enrique Gil daw ay nagpu-push pa na baka kaya pa (sila) o posible pang maituloy habang si Liza ay gusto pa ring tuparin ang kanyang Hollywood dream.

“Isa pang nakadagdag diyan Loi ay ‘yung hindi alam ni Enrique Gil na dumating pala rito si Liza at sinundo siya ng management niya,” pagtatapat ni Ogie.

Dagdag pa, “Sana hindi totoo na hiwalay na sila. Kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan sana ma-patch up nila, ilang taon din sila, eight years? Sayang din ‘yun. Ang importante naman sa isang relasyon ay nag-end up kayo as friends o kung hindi man (sana) civil.”

Nabanggit pa ni Ogie na noong siya pa ang manager ni Liza ay naisip niyang silang dalawa na ni Enrique ang magkakatuluyan dahil maganda ang relasyon nila.

Samantala, ayon naman sa aming nalaman kaya walang alam si Enrique na dumating si Liza sa Pilipinas ay dahil wala siya sa bansa kaya paano niya ito susunduin o hindi na niya ito talaga susunduin dahil wala na nga sila.

Lolit Solis sang-ayon sa pag-iwas ni Enrique sa mga isyu kay Liza: ‘Mas mabuting tahimik na lang kesa lumabas na sumasakay lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique Gil tinawag na ‘my wife’ si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending