Lolit Solis sang-ayon sa pag-iwas ni Enrique sa mga isyu kay Liza: 'Mas mabuting tahimik na lang kesa lumabas na sumasakay lang' | Bandera

Lolit Solis sang-ayon sa pag-iwas ni Enrique sa mga isyu kay Liza: ‘Mas mabuting tahimik na lang kesa lumabas na sumasakay lang’

Ervin Santiago |May 03,2023
facebook
share this

Lolit Solis sang-ayon sa pag-iwas ni Enrique sa mga isyu kay Liza: ‘Mas mabuting tahimik na lang kesa lumabas na sumasakay lang’

Ervin Santiago - May 03, 2023 - 07:33 AM

Lolit Solis sang-ayon sa pag-iwas ni Enrique sa mga isyu kay Liza, mas mabuting tahimik na lang kesa lumabas na nakikisawsaw

Enrique Gil at Liza Soberano

AGREE ang talent manager at veteran showbiz columnist na si Lolit Solis na lumayo muna pansamantala si Enrique Gil sa kanyang girlfriend na si Liza Soberano.

Tama raw ang diskarte ng Kapamilya actor na dumistansiya muna sa kanyang ka-loveteam na nasa Amerika na raw uli ngayon para tuparin ang kanyang pangarap na maging Hollywood star.

Ngayong buwag na nga ang tambalang LizQuen at magkaiba na ang career path nina Liza at Enrique, mas magandang huwag na muna silang magsalita tungkol sa isa’t isa. Mas okay daw kung umiwas muna si Quen sa mga tanong na may konek kay Liza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Maganda nga ang ginagawa ni Enrique Gil na umiiwas sumagot pag tinatanong tungkol kay Liza Soberano. Mas mabuti ng tahimik kesa lumabas na sumasakay siya sa mga issues tungkol kay Liza,” ang pahayag ni Manay Lolit na mababasa sa kanyang Instagram post.

Aniya pa, “Puwede naman hindi sila maging loveteam at maging solo ang mga career. Mas mahirap pa nga na madikit pangalan nila sa isa’t isa pagkatapos maghihiwalay dahil iba ang career path na gusto ni Liza.

Baka Bet Mo: Tanong ng fans, magdyowa pa ba sina Liza Soberano at Enrique Gil o mag-BFF na lang?

“Madali namang i-partner sa iba si Enrique Gil. Talented siya at professional kaya madali ang trabaho. Kaya kung gugustuhin niya, marami pa rin stars ang puwede maging katambal niya.

“Sa panahon ngayon mahirap ang isa lang puwede mo tambalan, dapat puwede ka kahit kanino,” ang dagdag chika pa ng talent manager.

Nito lamang nakaraang araw ay pinangaralan ni Manay Lolit si Liza sa gitna ng mga kinakaharap nitong kontrobersya.

“Talagang ayaw huminto ni Liza Soberano sa self-destruction na ginagawa niya, Salve. Ngayon naman parang know it all na alam niya ang issue tungkol sa loveteam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sayang ang maganda niyang career na sinimulan sa Pilipinas na parang sinira niya dahil lang sa Hollywood dream niya.

“Basta lang mag try siya at sana biglain na lang ang lahat pag nagkaroon siya ng Hollywood project. Hindi gaya ngayon na naging nega siya dahil sa mga sinasabi niya,” ani Manay Lolit.

Dugtong pa niya, “Mahirap talaga pag ganyan para bang alam mo ang lahat, wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo ng magbigay ng komento. Hindi si Liza lang ang sumubok mag Hollywood dream, marami na at lahat nabigo.

“Sana para maiba, magtagumpay si Liza Soberano, at maging successful ang tunay niyang pangalan na HOPE, hoping for the best,” sabi pa ni Manay Lolit.

Kamakailan ay pumirma muIi ng exclusive contract si Enrique sa ABS-CBN at very soon ay sisimulan na ang comeback proyekto mula sa Dreamscape Entertainment.

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique Gil tinawag na ‘my wife’ si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending