Enrique Gil, Robi Domingo pinakilig ang fans sa kanilang 'bromance' paandar: 'Pwedeng pa-BL naman diyan!?' | Bandera

Enrique Gil, Robi Domingo pinakilig ang fans sa kanilang ‘bromance’ paandar: ‘Pwedeng pa-BL naman diyan!?’

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Enrique Gil, Robi Domingo pinakilig ang fans sa kanilang ‘bromance’ paandar: ‘Pwedeng pa-BL naman diyan!?’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 12:25 PM

Enrique Gil, Robi Domingo pinakilig ang fans sa kanilang 'bromance' paandar: 'Pwedeng pa-BL naman diyan!?'

Enrique Gil at Robi Domingo

PINAGTRIPAN ng mga netizens ang dalawang Kapamilya stars na sina Enrique Gil at Robi Domingo matapos kumalat ang kanilang “sweet photo” sa social media.

In fairness, kinilig ang kanilang mga fans at mga Kapamilya supporters nang bumandera ang kanilang litrato na ipinost ni Robi sa kanyang Instagram account.

Pak na pak sa mga netizens ang tila pang-bromance nilang paandar na kuha sa naganap na exclusive contract signing ni Enrique sa ABS-CBN nitong nagdaang Martes, April 25, na dinaluhan din ng mga executives ng Kapamilya network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Si Robi ang nagsilbing host ng naganap na contract signing ni Enrique. Noon pa close ang dalawang binata dahil minsan na silang naging miyembro ng all-male group na Gigger Boys na nagpe-perform noon sa Sunday musical show na “ASAP.

Ang caption na inilagay ni Robi kaniyang Instagram post ay, “OHA (Kaya Mo Ba ‘To?) the movie.” Nilagyan pa niya ito ng hashtag “#QuenBi”.

Baka Bet Mo: Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Sandamakmak na likes at comments ang nakuha ng IG post ni Robi at halos lahat ay naaliw sa kanila ni Quen. May nga nagsabi pa nga na pwedeng-pwede silang gumawa ng BL series.

“ANG KYOOOOOOOOTTT!!! Gigger Boys!!!!!”

“CUTIE!!!”

“BROmance!”

“Puwede! Pa-BL naman diyan!”

“Hahaha nice movie!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Try ni @enriquegil17 ung May-December love affair ung kdrama napanood ko ung Something in the rain w/ @annecurtissmith ganda un.”

“Hahaha kung may #Donbi meron namang #QuenBi sino ba talaga kuya robi
sana c maymay at enrique magkasama sa movie or teleserye.”

“Yeeeehhheeeyyyy nagpakain ako dito sa solid lizquen walang iwanan maraming salamat enrique hindi mo kami iniwan.”

“Love kita robi pero LIZQUEN pa ren hahaha!”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa litrato nina Enrique at Robi.

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending