Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens | Bandera

Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 11:01 AM

Christophe Bariou at Nadine Lustre

SA unang pagkakataon, nag-post na ang actress-singer na si Nadine Lustre ng litrato nila together ng kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang sweet photos ng dalawa kasabay ng pagpo-post ng kanilang positibong komento tungkol sa relasyon ng magdyowa.

Actually, matagal na namang nababalita ang tungkol sa bagong boyfriend ng aktres base na rin sa mga litratong naglalabasan sa social media.

Kabilang na riyan ang mga viral photos nila ng kanyang French boyfriend na kuha sa isla ng Siargao kung saan nagbakasyon sila nang bonggang-bongga kasama ang pamilya ng dalaga.

May mga naglabasan ding litrato sa socmed kung saan magkasamang nagbigay ng tulong at ayuda sina Christophe at Nadine sa mga biktima ng super typhoon Odette sa Siargao.

At ang latest nga, for the first time super proud nang ibinandera ni Nadine ang dalawa nilang litrato ni Christophe sa kanyang Instagram feed.

Makikita sa isang sweet IG photo ng magdyowa ang kanilang titigan at nakangiti habang magkatabi ang kanilang mga mukha. 

Walang inilagay na caption si Nadine sa kanyang post pero gumamit siya ng mga emoji ng magincian’s hat at magic wand. 

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Christophe ang founder at managing director ng isang hotel sa Siargao, ang Maison Bukana na hindi rin nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Odette sa isla kamakailan.

Kung matatandaan, unang lumabas ang chika tungkol sa relasyon nina Nadine at Christophe noong Agosto, 2021. Ito nga yung araw nang kumalat sa social media ang mga pictures nila habang nagpapakaligaya sa Siargao. 

Bukod dito, may viral photos din sila na magkasama sa isang shopping mall with matching holding hands pa.

Magkasama rin sila sa pagsalubong sa Bagong Taon with Nadine’s parents and siblings. Mismong ang tatay pa nga ng aktres ang nagbahagi ng kanilang mga litrato na kuha sa kanilang selebrasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isang Instagram post noon si  Nadine kung saan tinag pa niya si Christophe pero wala pa itong ibinigay na kumpirmasyon tungkol sa kanilang tunay na relasyon.

Rumored BF ni Nadine, aprub nga ba sa kanyang pamilya?

Nadine Lustre, Christophe Bariou nagtulong para sa muling pagbangon ng Siargao

Tatay ni Nadine botong-boto sa bagong dyowa ng anak; Christophe Bariou super close na sa pamilya Lustre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending