Lolit Solis sa isyu ni Alden Richards: Hindi ka nila mapapabagsak! | Bandera

Lolit Solis sa isyu ni Alden Richards: Hindi ka nila mapapabagsak!

Therese Arceo |May 02,2023
facebook
share this

Lolit Solis sa isyu ni Alden Richards: Hindi ka nila mapapabagsak!

Therese Arceo - May 02, 2023 - 03:50 PM

Lolit Solis sa isyu ni Alden Richards: Hindi ka nila mapapabagsak!

NAGBIGAY opinyon ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ukol sa nagaganap ngayon sa Kapuso actor na si Alden Richards.

May mga balita kasing negatibo ukol sa binata gaya na lang ng tila pagbabago raw ng ugali nito.

Sa kanyang Instagram page ay curious si Lolit dahil tila mayroong “smear campaign” na nagaganap kay Alden.

“Lahat na lang napupuna sa kanya. Lahat napapansin, saad ng kolumnista.

Ani Lolit, Isa raw sa mga pinakamabait na artistang nakilala niya si Alden kaya hindi niya alam kung bakit lahat ng kilos ng binata ay napupuna recently.

“Magalang at sweet. Hindi nagbago kahit kailan. Kaya magtataka ako sa mga lahat ng kilos ni Alden ay napupuna. Ngayon pati na suot niya napapansin,” pagbabahagi niya.

Payo naman ni Lolot sa Kapuso actor, “Huwag kang magbago Alden, kung ano ginagawa mo nuon, siya parin gawin mo. Huwag mong pansinin ang mga paninira sa iyo.

Baka Bet Mo: Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

“Stay the same person that you are. Dahil kahit ano gawin nila, hindi ka nila mapapabagsak.”

Sey pa ni Lolit, nakatakda raw talaga ang binata para maging isang malaking star sa bansa at wala na raw makapagbabago rito.

“Ganyan lang naman lagi ang nangyayari pag nasa itaas ka na. Pilit kang ibabagsak pero kahit ano ang gawin basta mabuti kang tao walang mangyayari. Alden Richards is Alden Richards, iyon lang, bongga,” hirit pa niya.

Isa rin kasi si Lolit sa mga malalapit kay Alden kaya ipinaglalaban at ipinagtatanggol niya ang binata ukol sa mga isyung ibinabato ng ibang tao laban sa kanya.

Matatandaang napag-usapan nina Cristy Fermin, Rommel Chika, at Wendell Alvarez sa isa sa kanilang vlog na “Showbiz Now Na” na may mga chika na nagbago na raw ang pakikitungo ng binata sa mga taga-media sa nagdaang press conference ng isang beauty product na ini-endorse ng aktor.

Ngunit maski sila ay hindi naniniwala sa isyung ito dahil sila mismo ay personal na nasaksihan kung gaano kaayos at kabuti ang trato ng aktor.

“Hindi po iyan ang pagkakakilala namin kay Alden. Mapagkumbaba po talaga siya. Marunong siyang rumespeto sa mga press people,” sey ng kasamahan noon ni Lolit.

Bukas naman ang panig ng BANDERA para kay Alden Richards hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending