‘Dito po ako natatakot. Nasa lahi po namin ang cancer’ — Chad Kinis
TAHASANG inamin ng comedian at vlogger na si Chad Kinis ang kanyang pinagdaraanan sa latest vlog nito.
“Gagawin ko po ‘tong video na ‘to kasi marami na rin po ang concerned, marami na pong nagtatanong, maraming nakakapansin… about sa bukol sa dila ko.
“Actually matagal na po s’yang nasa ‘kin, years na rin po. Nagsimula po s’yang tumubo parang 5 years ago.
“At ngayon po napapansin ko, medyo palaki nga po nang palaki. Kasi madalas kong nakakagat ‘yung dila ko dati.
Hindi ko rin po alam kung ano siya kaya hindi ko rin po sinasagot ‘yung iba kasi natatakot rin po ako sa sarili ko. Natatakot rin po akong alamin kung ano siya.” pag-amin ng komedyante.
Minsa nga ay nakausap niya ang isa sa mga kaibigan na si Ogie Diaz at hinikayat siya na magpa-check up.
Kwento pa niya, takot daw talaga siya kung ano man ang nasa dila niya.
“Natatakot rin po ako kasi hindi ko po alam kung ano siya. Tumubo na lang siya basta tapos nandyan siya, nakakagat ko siya. Minsan masakit, minsan hindi.
“Dito rin po kasi ako natatakot kasi my mom died because of breast cancer. So nasa lahi po namin ang cancer and ito po ‘yong kinakatakot ko kaya ayaw ko s’yang ipacheck.
“Ito ‘yung kinakatakot ko talaga kaya ayaw ko s’yang ipacheck eh… kasi I don’t want to know the result or anything na gan’on. Na sinasabi ko na ‘Sana wala lang siya, parang wala lang siya,’ at sana wala lang talaga siya. Sana trauma lang siya, or kung ano man na matatanggal lang,” pagpapatuloy nito.
Sa kabila ng takot at kaba, pinili pa rin ni Chad na alamin kung ano man ang tumubo sa kanyang dila. Ayon pa sa kanya, peace of mind na rin ito dahil nga mag lahi sila ng pagkakaroon ng cancer.
Ayon sa doktor ni Chad na si Dra. Tina Viceral, kapatid ni Unkabogable Star Vice Ganda, mukha namang benign ang bukol sa dila niya base sa kanyang analysis sa picture na sinend ng komedyante.
Ngunit para maka-sigurado, sumailalim pa rin si Chad sa simple encisional biopsy. Sa operasyong ito, tinanggal na ang bukol sa kanyang dila upang malaman kung cancerous nga ba ito o benign.
At after 14 days, naconfirm na nga ng komedyante na benign ito. Sa halip, isa itong ‘fibroma’ na resulta ng palaging pagkaka-kagat niya ng dila noong bata.
“If you see something wrong with yourself or something wrong with your body, you have to get it checked para malaman n’yo ang solusyon,” payo ni Chad.
Finally, may peace of mind na ang komedyante dahil nawala na ang matagal niyang isipin.
Lubos ang pasasalamat niya sa lahat ng nagmamahal at nag-aalala sa kanya. Nagpaabot rin siya ng pasasalamat kay Dra. Tina Viceral at kay Ogie Diaz na nag-push sakanya para magpa-check up.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.