True ba, Vice Ganda may tampo raw kay Chad Kinis, nadamay pati sina Lassy at MC? | Bandera

True ba, Vice Ganda may tampo raw kay Chad Kinis, nadamay pati sina Lassy at MC?

Reggee Bonoan |August 31,2023
facebook
share this

True ba, Vice Ganda may tampo raw kay Chad Kinis, nadamay pati sina Lassy at MC?

Reggee Bonoan - August 31, 2023 - 05:05 PM

True ba, Vice Ganda may tampo raw kay Chad Kinis, nadamay pati sina Lassy at MC?

Vice Ganda and Beks Battalion (MC Muah, Chad Kinis, Lassy Marquez)

BAKIT hindi mabati-bati nina Lassy Marquez at MC Muah ang kapwa nila Beks Battalion na si Chad Kinis sa “It’s Showtime?”

May isyu ba sa pagitan ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda at Chad Kinis?

May nagkuwento sa amin na hindi na rin magawang i-promote nina Lassy at MC ang pelikula nilang “Days of Our Lives” na idinirek ni Chad Kinis noong kasagsagan ng promo.

Tila pinagbawalan daw ang dalawang miyembro ng Beks Battalion na i-promote ang movie nila dahil ayaw daw ni Meme Vice.

Kapag binabanggit daw nina Lassy at MC ang Beks Battalion ay paputol-putol kaya naman na-curious ang madlang pipol kung may valid reason ang dalawang komedyante hinggil dito.

Anyway, may sitsit din sa amin na noong nakaraang premiere night ng pelikulang first directorial job ni Chad Kinis ay dumalo si Vice bilang suporta kina Lassy at MC at lumapit daw ang una kay Meme pero may chika na hindi umano siya pinansin at naringgan pang nagsabi ang TV host ng “No.”

Kinulit-kulit namin ang aming source kung anong dahilan bakit matindi umano ang tampo ng “It’s Showtime” host sa kaibigan.

“Wala akong alam, wala naman kaming naririnig kay Vice tungkol dito,” sambit ng aming source.

Bukas ang BANDERA sa magiging paglilinaw ng mga taong involved sa isyung ito.

Samantala, ang latest na nabalitaan namin ay nag- uusap na ngayon sina Vice at Chad matapos magkaayos at magkapaliwanagan.

* * *

Ang gantihan drama na “Nag-Aapoy Na Damdamin” ang isa sa mga kasalukuyang teleserye na nagpapaibig at talaga namang nagpapasakit sa damdamin ng mga manonood tuwing hapon.

“Mas marami pang pagmamahal at sakit ang aabangan ng mga manonood dito,” saad ng director na si Benedict Mique tungkol sa nalalapit na harapan ng power couples ng seryeng pinagbibidahan nina Jane Oineza, JC de Vera, Ria Atayde, at Tony Labrusca.

“All teleseryes are the same, but this is just more fun to make and watch,” sabi pa ni Direk na tinanggap ang proyekto kasama si Direk FM Reyes dahil sa pagnanais niyang mag-explore ng nakakagigil na kwento kasama ang mga aktor na hindi pa niya nakatrabaho.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nanggigil sa lalaking contestant sa ‘Showtime’ na may 12 anak: ‘Kapag mahirap wag na masyadong maraming anak kawawa yung mga bata’

Saad niya, “I love working with new actors. Na-excite ako when you put these actors into these characters. Ang sarap laruin. Makikita nyo naman ang results.”

Patunay rito ang nag-uumapaw na chemistry nina Philip (JC) at Claire (Jane), ang ‘pataasan ng ihi’ sa pagitan nina Philip at Lucas (Tony), at ang selos na umuubos ng pasensya ni Melinda (Ria).

Sinabi pa ni Direk Benedict na sumasalamin sa totoong buhay ang galit at gantihan nina Lucas at Philip dahil nag-uugat ito sa sakit ng damdamin at matinding pagmamahal.

Masaya aniya na ilagay ito sa mga makapangyarihang karakter ng isang doctor at isang abogado na tinitingala ng mga manonood at magtutulak sa kanila para mamili ng kakampihan, #TeamPhilip ba o #TeamLucas.

Si Direk Benedict ay isang screenwriter-director na siyang sumulat sa mga seryeng “On The Wings of Love” at “Since I Found You.” Nagsilbi naman siyang direktor ng mga pelikulang  “MOMOL Nights” at “Wild Little Love.” Itinuturing niyang mentor sa industriya ang National Artist na si Ricky Lee.

Abangan ang “Nag-Aapoy Ng Damdamin” Lunes hanggang Biyernes, 3:45 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Related Chika:
Vice Ganda hiyang-hiya kapag sinasabing grabe kung tulungan niya sina MC at Lassy: Naku, hindi n’yo lang alam…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chad Kinis na-bully nang bonggang-bongga dahil sa kanyang face: ‘May nagsa-suggest na magpa-derma ako, pero…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending